Hidden Chapter 2 // Third

420 15 0
                                    

Dear Third, :)

Gusto mo bang malaman kung bakit sa lahat ng lalaki sa school, ikaw ang pinaka gusto ko? Syempre, wala kang pakialam sa kung anong sasabihin ko. Pero sasabihin ko pa rin sayo dahil makulit ako.

Iyon ay dahil magkapareho kayo ni Kuya Win. Hindi ko alam pero nakikita ko siya sayo. Bakit?

Kasi pareho kayong matalino. Bilib na bilib ako kay Kuya kapag tinuturuan niya ko sa assignments ko, ang galing galing kasi niya. Pero may secret ako, mas magaling ka. Ang galing mong sumagot sa tanong ni Teacher Monette kahit lahat kami ay di alam ang sagot. Pero hindi lang iyon, mas hinangaan kita nung tinulungan mo kong magsagot sa board. Sobrang natakot ako kay Teacher Desy dahil pagagalitan niya ako kapag hindi ako nakasagot. Pero tinulungan mo ko. Ang dami mo pang isinulat sa board at naexplain mo pa ng maayos. Tapos ibinigay mo pa sa akin ang papel mo para maaral ko iyon.

Maalalahanin, parehong pareho kayo ni Kuya dito. Iniisip niya ako palagi. Naalala ko nung, nakalimutan ko yung payong ko tapos ang lakas ng ulan. Pinahiram mo sakin ang payong mo at tumakbo na lang basta at nagpakabasa sa ulan. Hindi ko alam kung bakit kailangan mong gawin yun. Pero ganun na ganun ang gagawin ni Kuya kapag hindi kami kasya sa payong. Iyon ay dahil importante ang kalagayan ko para sa kanya. Ganun din ba ko sayo? Hindi lang isang beses nangyari iyon, tatlong beses. Doon na ako nakaramdam na parang may nagiiba sa tibok ng puso ko. Nalungkot lang ako ng magkasakit ka. Pero ang sabi mo, "It's okay. As long as I can help."

Mukhang suplado pero sobrang mabait naman, ganun kayo ni Kuya at dagdag na pareho pa kayong gwapo. Pero syempre alam ko namang mahal na mahal ako ni Kuya. Ikaw, di ko alam kung bakit mabait ka sa akin. Napapangiti na lang ako tuwing pinapahiram mo ko ng pencil.

Pero isang araw, hindi ka na naging mabait sa akin. Hindi mo na rin ako pinapansin. Ni hindi mo na ako tiningnan. Para bang hindi mo na ako kilala. Bakit? May nagawa ba akong mali? O may nagawa akong hindi tama? Nasaktan ako, akala ko magkaibigan na tayo?

Ayaw kong magpadalos dalos pero umamin ako na gusto kita. Sabi ko pa nga mahal na kita. Ang sagot mo naman, "Masaydo ka pang bata para sabihin yan."

Ramdam ko ang ibang tono sa boses mo. Simple lang ang alam kong sagot, dahil hindi ako ang gusto mo. May kirot sa dibdib ko. Bukod sa asthma, baka may heart problem na ko. Siguro dahil nawasak ito. Wasak na hindi ko na kaya pang buoin ulit.

Pero okay na rin, at least I tried. :')

Nina

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon