Chapter 2 // Zeke

985 40 10
                                    

Chapter 2
Zeke

[ Reina's POV ]

Magulo pa rin ang isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang pagtataboy sa akin ng kapatid ko. Parang kaninang umaga ay okay lang siya. Bakit ngayon ay umiiyak siya? May nangaway kaya sa kanya? May nanakit?

Umiinit agad ang ulo ko. Masayahing bata ang kapatid ko. Mabait at mapagkumbaba. Kung may makakaaway ito ay siguradong hindi iyon kasalanan ng kapatid ko.

"Reina!" tawag sa akin ni Ylena. Agad akong napalingon sa kanya. Napakunot ang noo niya sa reaksyon ko. "Hindi mo ba narinig yung bell? Tara na!" anyaya niya at doon ko lang napansin na nasa labas na pala sila ng classroom.

Agad kong kinuha yung wallet at phone ko para makalabas makasunod na sa kanila. Sa totoo ay wala akong gana kumain, sasama lang ako sa kanila dahil hindi pwedeng magstay dito sa classroom.

Pinagpipindot ko ang phone ko para itext ang kapatid ko. Hindi kasi ako mapalagay. Feeling ko ay may dinadala siyang mabigat at hindi ko hahayaang siya lang nag magdala nun.

Puwesto kami sa canteen. Bumili si Ylena at Quina ng pagkain. Ako naman ang naiwan sa table namin.

30 minutes na ang nakalipas ay hindi pa rin siya nagrereply. Mas kinabahan ako ng husto. Hindi ako nagdalawang isip na tawagan na siya.

"Hello, Third?" napangiti agad ako ng sagutin niya ang tawag ko. "Okay ka lang ba? Nagaalala kasi a-" agad nawala ang ngiti ko sa narinig kong nagsalita.

"Who's this?" tanong ng lalaki mula sa kabilang linya. Sino ito? Last time I check, hindi naman nagpalit ng numero ang kapatid ko. Bakit iba ang kausap ko ngayon?

"Akin na yan! Ibigay mo sabi yan sakin!" baghang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pagsigaw ng kapatid ko sa kabilang linya.

"Third?! Anong nangyari sayo? Teka! Sino ba to?! Binabalaan kita! Kung sino ka man! Wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko. Nasan kayo ngayon?!.."

Nang marinig ko ang sagot niya ay agad akong napatayo.

"Humanda ka sakin! Wag kayong aalis diyan! Pupunta ko diyan at malalagot ka sa akin!" pagbabanta ko sa kausap ko.

"May pupuntahan ako." ani ko sa mga kaibigan ko nang makaupo sila sa aming table.

"Saan? Di ka ba kakain?" tanong ni Quina. May kanya kanya silang bitbit na pagkain. Hindi talaga ako nagugutom. Umiling ako. Namataan ko ang royal na binili ni Ylena at hinablot ko agad yun.

"Teka, yan lang ang kakainin mo?" tanong ni Ylena.

"Oo, bayaran ko na lang mamaya. Salamat!" kumaripas na agad ako ng takbo pagkasabi ko.

4th. Malapit sa fire exit.

Umaakyat na ko ng stairs at pagod na pagod na ko. Nasa 3rd floor pa lang ako nito. May isa pa. Masyado akong nadala sa nararamdaman ko. Dapat pala ay nagelevator na lang ako.

Hindi kalaunan ay narating ko ang 4th floor. Namataan ko agad ang dalawang lalaki sa may dulo ng building. Malapit sa fire exit. Mabilis akong naglakad palapit sa kanila habang binubuksan ang bote ng royal na binili ko kay Ylena.

Iyon nga ang kapatid ko.
Nang malapit na ako sa kanila ay naagaw ko na rin ang pansin ng lalaking kaharap nila. Hawak hawak niya ang cellphone ng kapatid ko. Hinablot ko agad yun at chineck ko kung sa kapatid ko iyon. Nang malaman na tama ang hinala ko ay galit ko siyang tinanong.

"Bakit nasayo to?" nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya. Marahil ay magmamaang maangan ang isang to.

"Ibabali-" hindi ko siya pinatapos sa kanyang pagsasalita at sinabuyan ko agad siya ng royal. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko. Tinaas ko lang ang aking kilay.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon