Chapter 28 // Hurt

329 13 1
                                    

Chapter 28
Hurt

[ Reina's POV ]

Naalipungatan ako dahil sa maingay na tunog ng cellphone ko. Mabigat ang mata ko pero pinilit kong bumangon para abutin ang cellphone ko na nasa side table lang. Agad kong naramdaman ang malamig na hangin. Hindi ko matandaan na binuksan ko pala ang bintana ko kagabi. Hindi ko kasi kadalasang binubuksan ito. Animo'y nakabukas ang aircon sa kwarto ko dahil sa lamig. Tumayo ako para isara iyon. Pagkatapos, dinampot ko na ang cellphone ko na walang tigil sa pagiingay. May unregistered number na tumatawag sa akin. Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko iyon dahil baka hindi ko naman kilala ang tumatawag o wrong number lang. 2am pa lang kasi ng umaga. Wala naman akong kilalang mambubulabog ng ganitong oras..

"Hello," sagot ko ng mapindot ang accept call.

"Hello, Reina.."  nanginginig na boses niya.

"Hmm. Sino to?" tanong ko. Kahit medyo pamilyar ang boses niya, hindi ko masigurado kung sino iyon.

"Reina, si Raffy to."

"Ahh. Raffy, bakit ka napatawa-"

"Reina," aniya bago humagulhol ng iyak. "Reina, si Win.." hindi na niya naituloy ang sinasabi niya. Patuloy na siyang umiyak. Hindi ako nagsalita at inintay na lang na tapusin ang sinasabi niya. Pero kabaliktaran ang nangyayari sa puso ko. Bumilis ang tibok nito. Malakas ang kabago nito sa dibdib ko. Magulo na takbo ng puso ko at pati ang utak ko ay hindi na rin nakakapagisip ng ayos.

Matagal siya na umiyak. Hindi niya itinuloy ang sinasabi niya. "Raffy! Anong meron kay Win?!" medyo pasigaw kong tanong. Alam kong masama na ang nararamdaman niya at kung sisigawan ko siya ay wala iyong maitutulong. Pero paano ko malalaman o maiintindihan ang lahat kung hindi niya sasabihin sakin ang nalalaman niya?

"Reina, si Win.. Wala na si Win. Wala na siya.. Wala na siya, Reina.." paulit ulit niyang sinasabi habang umiiyak. "Sinugod siya sa ospital kanina, walang malay. Pero pagdating sa ospital-" tuloy tuloy niyang ikwinento ang nangyari. Walang hinto pero parang wala na kong naririnig. Isang mahabang linya lang ang aking narinig. Tumulo ang luha ko sa aking pisngi kasabay ng pagbagsak ko sa sahig.

Nanigas ang buo kong katawan. Dahan dahang nalaglag ang cellphone sa kamay ko. "Hindi ito totoo.. Hindi ito totoo.." paulit ulit kong sambit sa aking sarili.

BUMANGON ako dahil sa masamang panaginip na iyon. Hinawakan ko ang mukha ko at nagtaka na lang dahil basang basa ito ng luha. Niyakap ko ang aking sarili. Nanlamig ako. Bukas ang bintana pero hindi iyon dahil sa hangin na pumapasok dito sa kwarto ko. Nanlalamig at nangilabot ako dahil sa nangyari sa aking panaginip. Isang napakasamang bangungot. Agad akong nagdasal. Tumutulo pa rin ang luha ko. Ang sakit ng puso ko. Hindi ko ata makakaya kung mangyayari iyon.

Narinig ko ang katok sa pinto ko. "Ate?" tawag ni Third.

Agad akong tumakbo papunta sa pinto. Pagbukas pa lang ng pinto, niyakap ko na agad siya. "Third, hindi ko kaya." iyak ko sa kanya.

Ayos lang na lumayo si Win sa buhay ko, na hindi ko siya magkita at makausap palagi. Basta alam kong masaya siya. Masaya siya sa ibang bahagi ng mundo. Masya siya kasama ang mga taong mahal niya sa buhay. Ang hinding hindi ko makakaya ay ang mawala siya sa mundong ito. Na wala na akong pagkakataong makita pa siyang muli.

[ Yasser's POV ]

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung umalis si Win. Maraming nagbago. Papasok ako ng school at hindi ko makikita ang matalik kong kaibigan, na parang kapatid na rin sa amin ni Zeke.

"Nagtext na ba si Win?" Tanong ni Franco nang magkasabay kaming maglakad sa corridor. Tulad ko, marahil malimit din siyang magsend ng mga messages kay Win pero wala rin ni isang reply. Hindi ko naman masisisi si Win dahil sa paulit ulit naming text sa kanya. Baka nakulitan na iyon.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon