Chapter 2

59 2 0
                                    

Malapit na ako sa amin ng mapansin kong sinusundan ako ng kotseng ka-race ko kanina. What the hell?

Pumasok ako village namin at tiningnan ko kung susunod pa. Ang walang hiya. Sinusundan nga ako.

Di kapa din nagbabago. Hindi titigil kung sino at ano ang nakatalo sa kanya sa kanya. Ayaw talaga magpatalo. Well. Kelangan kitang iligaw.

Sorry not sorry. Hindi mo kelangang malaman na nakabalik nako. Lumiko ako sa kabilang side. May shorcut dito palabas e. Tatlo ang likuan dito. Itinago ko ang aking kotse upang di niya makita.

Nakita kong huminto din ang kotse niya. Bumaba pa sila huh!? Lumingon lingon pa. Sumakay ulit sa kotse at dumaan sa kabilang likuan. Nang masiguro kong wala na sila tska akong lumabas.

Lumiko nako para makapunta na sa bahay namin. Pagkatapat ko sa malaking gate ng bahay namin. Lumabas ang isa sa mga guard namin.

"Sino po sila?" Tanong ni manong jed. Nandito pa rin pala siya sa mansion namin. Ang tagal niya na dito samin.

Ibinaba ko ang salamin ng kotse ko.

"Mam kianna!? Kayo na po ba yan? Naku dalagang dalaga na kayo.. " Gulat na gulat na sabi ni manong jed.

Natawa naman ako sa reaksyon niya. Ilang taon di kasi nila akonh di nakita.

"Hi kuya Jed. Haha opo si kianna to pakibukas na ng gate ang init po e!" Natatawang sambit ko.

"Ay oo nga po. Hehe sige po mam!"

Dire-diretso kong ipinasok ang kotse ko sa garage ng bahay namin. Wala namang pinagbago ang bahay namin. Mas gumanda ang garden. Mas dumami ang mga flowers eh.

Lumabas ako ng kotse.
Omg. Kanina ang cool cool ko ngayon parang tinamaan ako ng kaba. Hay! Bahala na.

Naglakad ako papunta sa maindoor namin at akmang bubuksan ko nang bigla itong bumukas.

"ATEEEEEEEEE! WAAAAA! ATE KIAANAAAA!" Sigaw ni Lian sabay yakap sakin ng mahigpit.

Aw. Ngayon ko mas naramdaman na namiss ko talaga ang kapatid kong ito!

"Lianna! Lunch is ready na anak. Bumaba kana dit---- Kian anak!?"

Si mommy nakagloves at apron pa mukang kakatapos lang magluto. Galing kusina e.

"Mommy..." kinakabahang sambit ko.

I miss my family. Lumapit sakin si mommy at niyakap ako, niyakap ko siya pabalik. Namiss ko talaga sila!

"Anak! Kian!" Naluluhang sambit niya habang yakap yakap ako ng mahigpit.

Ngayon ko mas narealize kung gaano katagal yung pagkawala ko sa piling nila dahil sobrang namiss ko talaga sila.

"Mommy. I miss you so much!" Naluluhang sabi ko sa kanya.

Humiwalay siya sakin at hinawakan ang mukha ko. Tiningnan ko si mommy. Mas nagmature na ang itsura ni mommy ngayon kumpara nung 5 years ago. Ngayon ko nalang ulit talaga sila nakita ng malapitan. Ng ganito...

Nung umalis kasi ako pinutol ko amg komunikasyon ko sa kanila. They tried to call me via skype or via facebook. But I ignore them. I deactivate my facebook account and skype account at gumawa ng panibago.

Ayokong magkaroon ng komunikasyon sa kanila kasi ayokong makaramdam ng pagsisising iniwan ko sila dahil lang sa isang taong walang ginawa kung di lokohin lang ako.

Habang nandoon ako sa France, kay Azi lang ako mayroong komunikasyon. Sa kanya ko lang ipinapaalam ang mga gamit kong accounts. Kinausap ko siyang wag niyang sabihin sa pamilya ko na nakakausap niya ako. Part of my moving on i guess?

Oh. Crap! Moving on? Bakit naging kami ba ng walang hiyang yon!? The hell.

Si Azikiel lang din ang nagpapakita saakin ng mga pictures ng pamilya ko. Sa kanya ko lang din sila nakakamusta. At yun nga lagi niyang sinasabi na depressed na depressed daw si mommy sa biglaang pagkawala ko. And si Daddy naman daw walang ginawa kung di ipahanap ako.

I feel sorry for my family. Diko man lamang sila naabisuhan na 'Hey mom, dad im gonna leave! Bye' ganyan man lang sana kahit ganyan lang sana nagpaalam ako pero wala e. Pinangunahan ako ng katangahan ko that time.

"I miss you too anak. Ano bang nangyari sayo? Bakit bigla bigla kana lang umalis ng walang paalam!? Si Azikiel lang ang nagsabi samin nasa France ka daw! My god kianna!"

"I understand you and dad if you two are mad at me okay mommy? But im sorry. I'm so sorry mommy..." Sabay yuko ko.

"It's okay hija. Nagalala lang talaga kami ng daddy mo. Ang mahalaga bumalik kana..."

I sighed.

"Okay mom. Where's daddy?" Sabay gala ko ng paningin sa bahay namin.

Wala namang pinagbago ito. May mga nadagdag lang na furnitures.

"Ate daddy is in the office. He said to me that he's going to meet the investors! Hey. Ate com'on! You have a lot to tell to me! Let's talk!" Nakangusong sabi ni Lianna.

"Hey Lianna. I'm sure your Ate miss my specialty. Let's go! Lumalamig na ang pagkaing niluto ko."

Tumawa ako.

"Aryt. Yeah mom I miss your specialty. The adobo of my mom!" Natatawang sabi ko.

"Omg ate. Still mommy is the best cook pa din pagdating sa adobong maanghang natin. Mas sumarap pa ngayon." Ngisi ni lian sakin.

Dalagang dalaga na ang kapatid kong ito. Nang umalis ako 11 years old pa lamang siya at neneng nene pa ang itura niya ngayon naman mas nagmatured na. Lianna gets my daddy's figures. Mapailong o mapamata. Kamukhang kamuka siya ni daddy. And me? kamukhang kamuka ko naman si mommy.

Halos magkasintangkad na kami. I'm 5'6 and Lian I think she's 5'4 to 5'5

"Li. Wag mo nakong bolahin pa. Okay sit down and lets it." Natatawang wika ni mommy.

"Im not mommy. Totoo naman ang sinasabi ko kay ate ha? Hehehe!"

Mamaya na ako magkkwento. I miss my family so much!

Unwanted First Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon