Flashback .4
Kinabukasan, nagising ako dahil sa pagtama ng liwanag ng araw sa mukha ko..
Tumingin ako sa side table at tiningnan ang cellphone ko.
"10:50 na pala. Di man lang ako ginising. ." sabi ko at tumayo na. Dumiretso ako sa cr, pinusod ko muna ang buhok ko. Messy bun. Bago naghilamos.
Pagkatapos maghilamos nagpunas ako ng face towel. Tumingin ako sa salamin. Medyo umitim ako halata kasi nakasando ako at panjama.
Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko ang tawanan ng mga pinsan ko na nasa sala.
Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Di ako nagcocoffee. Acidic ako.
Pagkatapos ko magtimpla ng gatas, dumeretso ako sa sala. Nanunuod pala sila ng twilight.
"Oh gising na pala ang prinsesa.. " natatawang sabi ni zia.
"Mga baliw kayo, tanghali na pala di niyo man lang ako ginising! Psh." sabi ko sabay upo sa sofa.
"Ang sarap kasi ng tulog niyo po. Nakanganga kapa. Kanina kapa hinihintay ng prince charming mo.. "
Kumunot ang noo ko. Sino?
"Oh ayan na pala!" napatingin ako kay light na kakapasok lang dito sa sala.
Naka-navy blue poloshirt ito at puting short. Nakaayos din ang buhok nito na medyo may pagkamessy.
Napakasimpleng damit, bagay na bagay sa kanya. Naguumapaw sa kagwapuhan sa simpleng suot!
"Gising kana pala.. " nakangiting sabi nito.
"Ay hindi. Anino ko lang to. Psh!" mataray na sagot ko.
"Aga aga ang taray mo.. "
"So? What are you doing here?" mataray na tanong ko sa kanya.
Tumabi siya sakin sa sofa. "Sinusundo ka.. " salita at hindi tanong.
Kumunot ang noo ko. "At saan naman tayo pupunta?"
"Basta. May pupuntahan tayo" nakangiting sabi nito.
Bakit ba ang aga agang gwapo nito? Argh.
"At bakit naman ako sasama sayo?"
"Kasi magkaibigan na tayo diba?"
Ay oo nga pala.
"Sabihin mo muna saan tayo pupunta!"
"Oy lovebirds! Dun kayo, ang ingay niyo. Nanunuod kami! Chu!" pagtataboy ni Zia samin.
Napairap ako.
Tumayo ako at sinuot ang bunny slippers ko. Naglakad ako papuntang terrace, nakasunod si light sakin.
Huminto ako at hinarap siya "So kanina kapa daw?" tanong ko.
"Oo? Kaninang 8 pa ako nandito.." sabi niya habang pinapaikot sa daliri ang susi ng kanyang motor.
8? 11 na. So 3hours na siyang naghihintay? Nakakahiya.
"Bakit ba kasi di moko pinagising.
Tss.. "Nagkibit balikat ito. "I don't want to disturb you. ."

BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomanceKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...