"Akala ko ba hindi kana ulit iiyak? Kaya nga pumayag na ako sa gusto mo.." nang-aasar na sabi nito habang inilalagay sa plate ang niluto niyang pasta.
Inirapan ko lamang siya. My eyes are swollen bigtime. Pulang pula din ang ilong ko dahil sa pagiyak. Nandito kami sa condo niya dito niya ako dinala dahil ayoko muna sa condo ko at ayokong magisa iiyak lang ako ng iiyak doon eh.
"You still love him kia. Dont deny it.." tumatawang sabi nito baho tumalikod at inilagay sa sink ang lutuang ginamit. He removed his black and white apron at pinunasan ang harap ng lutuan upang matanggal ang dumi roon.
Kahit lalaki siya at siya lang nakatira dito sa condo niya ay sobrang linis. I know azi don't want a messy house. Ayaw nito ang madumi at makalat na bahay. Ang arte niyan, mas malinis pa yan saakin pagdating sa bahay!
Tumikhim ako at umupo ng matuwid sa high chair na inuupuan ko habang nagsasalin siya ng ready to drink na pineapple juice. Inilapag niya iyon sa tabi ng pasta ko bago siya nagpunas ng kamay at umupo siya sa harap ko.
"No need to answer kia, i know you still love that jerk..." tumatawang sabi nito habang puno ng pasta ang kanyang bibig. He looked so cute, at sa sobrang kacute-tan niya ay gusto ko siyang sampalin.
May nagdoorbell kaya naman tumayo ito. Baka yung pizza na inorder niya. Tumunog ang cellphone ko at mabilis na hinanap yun sa bag ko. Nang makita kung sino ang tumatawag ay pinatay ko na lamang ang cellphone ko.
"Try mo kasing pakinggan explanation ng pinsan ko kia.." sabi ni Azi habang paupo sa high chair at inilapag ang box ng pizza. Kumuha ako roon at mabilis na kinagatan. Parang bigla akong nagutom.
"Tss.." narinig kong sabi niya at umiling ilang pa pagkatapos ay uminom sa juice niya.
"Kumain kana nga. Pumapangit kana kakaiyak!" Sermon niya sakin.
Pinunasan ko ang luha kong patulo na naman, bakit ba ayaw ko tumigil kakaiyak!? Bullsht
Pagkatapos kumain ay pumunta ako sa sala ng condo niya at manunuod daw kami ng movie. Nagaaway pa kami kung ano ang papanuorin namin kaya naman nauwi kaming dalawa sa isang action movie dahil dito lang kami nagkasundong dalawa. Azi's playing some guns that's why.
"You have a race later?" tanong nito habang hinahaplos ang buhok ko, nakaunan ako sa mga binti niya eh.
Kumuha ako sa chips na hawak niya at tumango. "Yeah. Circuit makati? Alam mo kung saan yun?" Tanong ko dito. Nilingon niya ako habang ngumunguya siya.
"Oo naman. Hatid kita doon mamaya..." sabi nito habang patuloy sa paghaplos sa buhok ko.
"I wish your the one I'm inlove with.." nagpipigil ako ng tawa pagkatapos kong sabihin iyon.
Pinalo niya ang noo ko pagkatapos kong sabihin yon. "I'm too handsome for you baby girl!" preskong sabi niya. Tumayo ako at tinulak siya.
"Ang kapal ng mukha mo Azikiel Dela Merced! Magpinsan nga kayo ni Light!" tumatawang sabi ko.
Tumatawang nilingon niya ako. "No doubt sa genes dahil sadyang gwapo ang mga Dela Merced. Pero kung ako naging boyfriend mo di kita lolokohin kagaya ng ginagawa niya. Pero sabi ko nga masyado kong gwapo para sayo kia!" ngumisi pa ito.
Sinuntok ko ang braso niya. "Ang kapal kapal mo baliw ka!" Sabi ko rito habang tumatawa. Iniyakap niya sa leeg ko ang braso niya.
"Kung hindi mo lang ako laging pinipigilan baka comatose na si Liwanag ngayon, wag ko lang makikitang sasaktan at lolokohin kana naman ng gagong yun kakalimutan ko ng pinipigilan mo ako at kakalimutan ko nang pinsan ko siya.." seryosong sabi niya bago hinalikan ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomanceKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...