Flashback .3
Bakit ba ang bango ng lalaking mayabang na 'to? Nakayakap pa din ako sa kanya. I mean nakahawak pa din ang kamay ko sa bewang niya.
Nagulat ako ng bigla nyang inihinto, bumaba siya at tinanggal ang jacket niya at cap.
Mas nagulat ako ng sinuot niya sakin ang white cap niya. Sinuklay niya ang buhok niya na medyo mahaba gamit ang kamay niya at ginulo lang ulit. Messy hair? Suits him well.
"What are you doing?" nalilitong tanong ko sakanya.
Nagkibit balikat ito. "Mainit. Wear my jacket." sabay abot sakin ng itim ng jacket na may initial na L sa bandang kaliwa.
"Im okay naman, ikaw na lang magjacket." pagtanggi ko pero sa totoo lang, feeling ko magiging toasted bread nako sa sobrang init.
"Stubborn. See what you are wearing? Masyadong maikli! Masusunog na balat mo sa sobrang init. Just wear it kianna." seryosong sabi nito sa akin.
So siya na si daddy ngayon? Psh.
"Okayy!" pagpayag ko nalang.
Sumakay na ito kaya sinuot ko na ang jacket at inayos ang cap. Ang haba ng jacket niya sakin natakpan ang shorts ko. Mas matangkad kasi siya sakin eh.
Pinaandar niya na ang motor at napahawak ako ng mahigpit ng bigla niyang binilisan ang pagtakbo.
"Damn. Take it slow! Papatayin mo ba ko!?" sigaw ko sa kanya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at may binulong pa!
"Ano!? May sinasabi ka?"
"Wala po, kumapit ka sabi ko." natatawang sabi pa nito.
Kumapit ako ng mas mahigpit kasi mas binilisan niya na ang pagtakbo.
Mas lalo ko tuloy naamoy ang napakaManly scent niya. Ano kayang perfume nito? Ang bango kasi talaga niya.
Matikas din ang pangangatawan ng liwanag na 'to. I think he's 17 or 18. Pero matured na katawan. Yung sakto lang. Saktong biceps, saktong broad shoulder, saktong triceps, saktong abs.
Kian, nakita mo na abs? Ofcouse not! Nararamdaman ko lang. Haha naughty hands!
Nakawhite V neck ito at isang black jogger pants at tinernuhan ng isang pares ng Nike slippers. Nakadagdag pa ng appeal ang buhok niyang may pagkabrown na messy.
Handsome back, pano pa pag humarap na?
Teka. Bakit ba pinupuri ko yung mayabang na ito? Tss
Manggahan na yung nadadaanan namin kaya naman medyo may silong na.
"Malayo pa ba tayo?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa paligid.
"Malapit na.. "
Ilang minuto pa ay natanaw ko na ang mga motor ng mga pinsan ko na nakapark sa ilalim ng mga manggahan.
Huminto na kami at bumaba na. Akmang tatanggalin ko na ang jacket niya ng pigilan niya ko.
"Don't remove it. Ang ikli ng suot mo!" iritadong sabi niya.
Tumaas ang kilay ko. "Why are you so damn irritated with my outfit ba!? Are you my daddy!? Tska napakainit kaya!" iritado ding sabi ko.
Nakakairita siya ha.
"Okay fine, itali mo nalang sa bewang mo. ."
"Okay okay!" pagsuko ko nalang. Sa init ng panahon ayoko na lang makipag away sa lalaking to.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
Roman d'amourKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...