Halos magkanda-dapa dapa ako pabangon sa aking kama ng mag-umaga na, mataas na ang sinag ng araw. Hindi ako nakapagset ng alarm kagabi dahil pagakyat ng kwarto ko ay nakatulog ako kaagad sa sobrang pagod.
Jusmiyo kianna! 8:34 na ng umaga! Papasok kapa sa opisina! Alas nuebe ang presentation ni Light and you need to be there! Sa lahat ba naman ng araw ngayon kapa tinanghali!?
Hindi na ako nag-abalang iligpit pa ang aking higaan dahil sa pagmamadali. Tumatakbong tinungo ko ang bathroom pero ng pag-apak ko ng tiles ay nadulas ako.
Napadaing ako sa sobrang sakit ng ankle ko na mukhang napuruhan. Halos maiyak ako sa sakit noon pero pinilit ko pa ding makaligo kahit naiiyak ako sa kirot noon. Para akong nabalian ng buto!
Hindi ako nakaligo ng maayos dahil hindi ako makagalaw, basta ini-on ko lamang ang shower habang nagshashampoo at nagsasabon ng katawan. Nangingiwi ako habang nagto-toothbrush dahil sa sakit ng bukung-bukong ko.
"Damn it! Wala nabang mas maiimamalas pa ang araw ko ngayon!" naiiyak na sabi ko habang kumukuha ng damit sa walk-in- closet ko.
Kumuha ako ng damit na madaling suotin na hindi tatama sa ankle ko kaya kinuha ko ang isang floral dress na blue and white ang kulay. Mabilis ko iyong sinuot kahit nahihirapan.
Matapos maglagay ng kaonting make up sa mukha ay kinuha ko ang white flat shoes. Kitang kita ang mga ugat ko sa paa ko dahil sa sakit noon.
Kinuha ko na ang handbag ko at paika-ikang naglakad palabas ng unit ko. Nilock ko iyon bago nagmamadaling nagtungo sa elavator. Binabaliwala ko na lamang ang sakit ng ankle ko dahil sobrang late ko na.
Mabilis kong pinatakbo ang aking kotse para makarating agad sa EGC. Binati ako ng guard matapos kong lumabas ng kotse at inagis sa vallet ang susi ng kotse ko. Tinanong pa ako nito kung okay lang ako dahil nakitang paika-ika ako.
Habang nasa elevator ay dama ko ang pamamawis ng noo ko. Idagdag mo pa ang sobrang sakit ng ankle ko. Nilingon ko iyon at nakitang parang namamaga na.
Mabilis kong nilakad ang papunta sa presentation room. Nakita kong nandoon sa labas si Bob at pabalik balik. Nang makita ako ay tila nabunutan ito ng tinik.
"Ohmygod, kian. Mabuti at narito kana, nagsisimula na ang presentation. Kanina kapa hinahanap ni Sir Dm!" tensyonadong sabi nito. Nilingon niya ang paa ko dahil paika ika nga ang lakad ko pero hindi ko na siya hinintay at pumasok na ng presentation room.
Madilim at tanging liwanag lamang sa powerpoint na nasa harapan ang nagbibigay liwanag sa buong silid. Naagaw ko ang tingin ni Light sa pagpasok ko. Bahagya siyang huminto pero sinenyasan ko lamang siya na magpatuloy.
Nakita ko ang pagkunot niya ng noo ng makitang umiika ako.
Si Bash pala ang naging katulong niya sa pagpress ng slideshow. Kaya naman ng dumating ako ay tumayo na ito at nagpaalam na lalabas na. Tumango lamang ako rito.
Nahihirapang umupo ako sa swivel chair na naroon at inasikaso ang laptop na bukas at makikita roon ang powerpoint. I need to click the next or previous botton lang naman pag kailangan na.
Pinagmasdan ko si Light na seryosong nagsasalita sa harap. He have his new hair cut. Mukhang pinatrim niya lamang iyon dahil may pagkamahaba pa din ang kanyang buhok.
Nakacomplete formal attire siya. Ang kayang itim na coat na nakapatong sa puting longsleeve na panloob niya ay perpektong nakasuot sakanya. Maging ang kulay itim na necktie ay maayos na nakalagay sa kanyang leeg.
He look so damn well-trained the way he talks about business. The way he speak, the way he move. Alam mo yung pag tiningnan mo siya, alam mo na agad na talagang bihasa na siya pagdating sa ganito.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
Любовные романыKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...