Dumiretso ako sa isang powder room at nag retouch ng make up ko.
Yes. Alam kong mali ang ginawa ko dun sa mga walang respeto na mga empleyado na yun! Pero wala akong nararamdamang pagsisisi sa ginawa ko.
Why would I?
Lumabas ako ng powder doom at pumasok sa elevator. I press 16.
16th floor ang office ni dad. Kawawang receptionist. Sasabihin na lang ang 16floor di pa nagawa, ayan tuloy I fired her.
Bumukas ang elevator at dire-diretso kong tinungo ang office of the CEO.
Binuksan ko ang double doors ng office ni dad at nadatnan ko siya pumipirma sa mga papeles na nasa kanyang table.
"Morning dad. I'm sorry. Late!" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
Hindi niya inialis ang tingin sa mga papeles na pinipirmahan niya. My dad is such a busy person.
"It's okay hija. Tatapusin ko lang ito at ipapakilala na kita sa magiging mga officemates mo.. "
Tumayo ako at pumunta sa likod ni dad hinawakan ko ang balikat niya.
"Daddy, okay lang kahit pag dika nalang busy. Masyado kang busy ngayon.. "
Nilingon niya ako.
"No hija. Just wait.." sabi niya sabay balik ng tingin sa kanyang pinipirmahang mga papeles.
Tumango ako bago umupo sa couch na naroon.
Nandito na kami sa elevator kasama ang secretary ni daddy na si Kyle. Ayaw daw kasi ni dad ng babaeng secretary dahil makupad daw.
"Kyle, sa Marketing Department tayo.." sabi ni dad kay kyle.
"Okay sir.." sabay pindot ng 15th floor. So magkalapit lang pala ang office ni dad at sa magiging office ko din.
Daddy's assigned me in marketing department. Because that's my Major.
Iniassign ako ni Daddy bilang Assistant Head Officer of the Marketing Department dahil nagresign na ang dating Assistant head dahil nag abroad daw ito.
Tumunog ang elevator hudyat na nasa Marketing Dept na kami.
Naglakad kami sa papasok dito at maraming empleyado ang yumuyuko at bumabati kay daddy.
Pagkapasok pa lang namin sa pinaka working area ng Marketing department ay inabutan namin ang mga empleyadong nasa kani-kanilang cubicle at tutok na tutok sa kani-kanilang computer at mukhang di nila napansin ang pagdating ng kanilang CEO.
"Sir, busy po sila sa isa sa ating proyekto kaya po siguro di nila napansin ang ating pagdating." seryosong sabi ni kyle kay dad.
4 years lang ang tanda sa akin ni kyle. He's tall, perfect jaw, clean cut hair, and brown eyes. Inshort gwapo siya pero not my type.
Tumikhim si Dad. At pumalakpak ng tatlong beses para maagaw niya ang atensyon ng mga empleyado niya..
"Goodmorning Marketing Department.." bati ni dad at parang mga sundalong nagtayuan ang mga empleyadong kanina ay parang may mga sariling mundo.
Ganoon na ba kahalaga ang project na ginagawa nila para di matulog? Napangisi ako dahil mukha na silang panda sa itim ng eyebugs nila.
Napawi ang ngisi ko ng biglang magsalita si daddy.
"I just want to introduce my daughter. Kianna Coronel-Ezqueza, your new assistant head officer.. Please be nice to her.. Naninipa iyan.." sabay tawa ni dad at ng mga empleyado.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomanceKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...