Flashback .5
Umihip ang hangin kaya napayakap siya sa kanyang sarili, nasa veranda kasi siya ng kwarto nila ng pinsan niyang si Ziarrah.
'Masarap din pala tumira dito, fresh air. So relaxing' sabi nito sa sarili niya.
Kanina pa siya nakatambay roon, nagmumuni muna at nagiisip isip.
Gusto siya ng lalaking kinaiinisan niya.
Gusto siya ni Light.
Ano ba kasing dapat niyang maramdaman? Dapat ba s'yang kiligin?
May nararamdaman kasi siyang kakaiba sa pag amin sa kanya ni Light.
Iba ang naramdaman niya.
Nando'n na yung parang may kuryente pag malapit sa kanya si light, nagiging abnormal din ang tibok ng puso niya.
Maganda si Kianna, matalino pa. Kaya nga lang, may pagkamataray talaga ito. Kumbaga, dream girl na daw siya ng ibang mga kalalakihang humahanga sa kanya.
Hindi lang naman si Light ang naunang umamin sa kanya ng pagkakagusto sa kanya. Marami na din, ang hindi niya lang maintindihan ay ang kakaibang pakiramdam niya sa pag amin ng lalaking yun sa kanya.
'Argh. Ayoko na ngang magisip!' sabi niya sa sarili, sabay pukpok sa ulo gamit ang kamay niya.
"Oh, tatawag na ba ako sa mental hospital?" napalingon siya sa nagsalitang si zia.
Tinignan ko lang ito, at huminga ng malalim.
Hay!
"Pati ang paghinga, malalim. Yung totoo cous, may pinaghuhugutan ka?" natatawang tanong nito at binuksan ang PicA.
Di pa rin ako kumibo, umupo lang ako sa katapat ng upuan na inuupuan nito.
"Pwede ba, bago mo'ko tanungin ng tanungin magsuklay ka muna! Mukha kang bruhilda." sabi ko dito. Katatapos lang kasi nitong maligo, at gulo gulo pa ang buhok.
Binuksan ko ang Clover, my favorite!
Umismid ito sakin.
"Hmp! Basta, ano na? Care to tell me? Anong problema mo?" tanong nito sabay kagat sa nachos.
Umiling ako. Hindi mapagkakatiwalaan kadaldalan nito eh.
Tumaas ang isang kilay nito sakin at ngumisi.
"Sa akin kapa magtatago cous? Sasabihin mo o gusto mong hulaan ko pa?" nakangising tanong nito.
"You witch!" natatawang sabi ko sa kanya.
Kapag kasi sinabing huhulaan niya, tama talaga hula niya. Kaya nga tinatawag ko itong witch e.
"Stop calling me witch cous!" nakakunot noong sabi nito sa'kin.
Sasabihin ko na ba? Aish! Bahala na!
"Hmmm. Ano.. Ano kasi. Si ano kasi e, an-----"
"Oo sige, si ano! Inano ka ni ano? Si ano? Ay oo naintindihan ko ano!? Ano ba kianna! Puro ka ano!" naiiritang sabi nito.
Napatawa naman ako. Hahaha! Pikon.
"Hmp! Si light kasi..." nambibiting sabi ko sa kanya.
Uminom ito ng coke niya. "Oh, napano si Liwanag babe?" kinikilig na sabi nito.
-_-
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomanceKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...