Nagdaan ang ilang araw ay puro pamamahinga lang sa unit ang ginagawa ko. Kaya naman okay okay na ang paa ko pero patiyad tiyad pa rin ang paglalakad ko, papasok na rin ako sa trabaho ngayon.
"Good morning mam!" nakangiting bati saakin noong guard. Ngumiti naman ako dito.
Binati pa ako noong bagong receptionist at iba pang empleyado ng kompanya. Kahapon ay galing sa condo ko sila mommy at daddy, sabi nila'y namimiss na nila akong pagalitan dahil sa katigasan ng ulo ko pero ang totoo'y nagaalala dahil sa paa kong napilayan.
Pagkapasok ko ng Marketing Department ay naroon na at nagttrabaho na ang buong team. Naagaw ko naman ang pansin nila, tiningnan nila ako ng malungkot kaya naman kumunot ang noo ko. Nang makita siguro nila ang pagkunot ng noo ko ay agad nilang iniwas ang tingin nila.
Sinalubong agad ako ni Bash na nakasimpleng floral dress na bumagay naman sa kanya.
"Hi mam! Okay na ba yung paa mo?" tanong nito habang sinisipat ang paa ko na ngayon ay nakabandage pa ng manipis dahil bukas ay papatingnan pa sa doctor.
Ngumiti ako sa kanya.
"Okay na naman na, bukas ay papacheck ko ulit sa doctor.."
Tumango ito saakin at yumuko na para bang may gustong sabihin. Ano ba nangyayari?
Nang maramdaman ko ang bahagyang kirot sa aking paa ay agad ko siya sinabihan na papasok na ako sa office.
Pagkapasok ko roon ay agad na hinanap ng mata ko si Light ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makitang malinis ang table niya ay halatang di pa nagagalaw magmula kanina.
He's absent?
Hindi naman yon pwedeng malate dahil ayaw noon ng ganoon.
Pero kung absent man ay bakit kaya?
He's he sick or what?
"Damn!"
Nanghihinang bulong ko bago umupo sa aking swivel chair at kinuha ang cellphone ko sa aking bag.
Tatawagan ko ba?
Nang makita ko ang kanyang pangalan sa aking phonebook ay mabilis ko iyong idinial.
Bahala na!
Habang hawak ng kanang kamay ko anv phone ko at nakalagay sa tainga ay ini-On ko ang laptop na nasa aking table at tinap ang mga daliri sa lamesa.
Nagriring lang iyon pero hindi sinasahot hanggang sa magsalita na ang operator. Napabuga ako ng hangin sa hindi niya pagsagot!
"Damn it light! I'm just going to ask you if you are fucking fine!!" madiing bulong ko sa sarili ko ng matapos muli ang ikalawang tawag ko pero dipa din niya sinagot.
Naiinis na binitawan ko ang aking cellphone sa table at sinubukang magfocus sa files na nasa aking harapan!
Ginulo ko ang aking buhok at padabog na isinara ang laptop na nasa aking table, sumandal ako sa swivel chair ko at bumuntong hininga.
Bakit ba kasi inaalala mo pa? Akala ko ba sabi mo noon wala kanang pakelam?
Muli ay ginulo ko ang kulot kong buhok sa pagkainis. Anong oras na din naman at magtatanghalian na. Ikakain ko na lang to!
Tumayo ako at inayos ang buhok kong ginulo ko. Inayos ko din ang dress ko maging ang bag ko. Lumabas ako ng opisina at nakitang patayo at mukhang kakain na din sina bob at bash kaya naman laking tuwa ko dahil mukhang may makakasabay ako.
"Maglulunch kana din madam?" nakangiting tanong ni Bob saakin using his gay intonation voice.
Ngumiti ako at tumango. "Yes. Kayo din? Lets go then!"
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomansKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...