Chapter 26

13 0 0
                                    

Tamad na tamad akong bumangon kinabukasan, napahikab pa ako habang bumababa ng hagdan. Maaga akong nagising ngayon kumpara sa ibang araw na madalas ay late ako.

Hawak ko ang aking cellphone para replayan ang mga pinsan ko. Pati si Skyler ay nagtext sakin at nagaayang magdinner daw kung kelan ako free.

Dumiretso ako sa sala para buksan ang sound set ko. Bago magsimula ang  kanta ay may nagdoorbell.

Kumunot ang noo ko. "Sino naman kaya ito, ang aga pa ha?"

Kinuha ko ang robe na nasa sofa at sinuot. Nakasando lang kasi ako at panjama.

Nang buksan ko ito ay wala namang tao. Isasara ko na sana ang pinto ng makitang may pagkain sa tabi ng pinto ng condo ko.

Kumunot ang noo ko at iginala ang tingin sa hallway. "Kanino galing ito?" Bulong ko sa sarili ko bago yumuko at kunin ito. Pagkatapos ilock ang pinto ay dumiretso ang sa kitchen para tingnan iyon.

Nakita kong may sticky notes roon.

Goodmorning! Sorry! Gusto ko sanang ipagluto kana lang kaso kailangan ako ng maaga sa kompanya, maybe next time! Enjoy your breakfast. Takecare gorgeous. See you later! :) -Light.

Napailing nalang ako at natawa. Ang korni ng lalaking yun! Kinuha ko sa paper bag na may tatak ng isang sikat na fastfood chain ang hot choco, may pancake at may rice at ulam pa.

Natawa ako ng makita ang pangalan niya na nagflash sa cellphone ko. He's calling.

"Yes?" pinigilan ko na matawa.

"Goodmorning!"

Masaya ang tono ng boses niya. Hindi ko maiwasang hindi mapangisi.

"Goodmorning. Hey! Ang dami ng pagkaing pinadala mo, kaya ko namang magluto sa sarili ko----"

"Just eat that, kian.."

Napanguso ako. "Alright, i'll hang up. Thanks by the way.."

"Okay. Takecare.."

Pagkatapos putulin ang linya ay kaagad akong kumain upang hindi malate sa trabaho.

Mabilis kong pinatunog ang alarm ng kotse ko at sumakay. Meron pa akong 15 minutes bago mag-eight ng umaga. Dumaan muna ako sa isang sikat na coffee shop upang magtake out. I'll buy him a coffee!

Pagkarating sa main door ng EGC ay mabilis na lumapit ang vallet para kunin ang susi ng aking kotse mabilis ko naman itong ibinigay sa kanya. Bitbit ko din ang paper bag na may laman ng dalawang cup ng coffee.

"Good morning mam!" bati noong guard.

Nginitian ko lamang ito bago sumakay ng elevator. I'm on time! 8 na nang umaga.

Pagkalabas ng elevator ay sakto namang pasakay ng presidential elevator si daddy kaya naman mabilis ko itong tinawag.

"Dad!" nilingon naman ako nito, kasama niya ang kanyang secretary at ang dalawa pang mukhang businessman din.

"Kianna anak.. Your early huh?" hinalikan ko siya sa kanyang pisngi.

Sinimangutan ko ito. "Para naman pong sinabi mong lagi akong late daddy.."

Tumawa naman ito at tinignan ang dala kong paper bag.

"Your drinking coffee now kian?" napailing naman ako. He knows that
I'm not coffee drinker.

"It's for Light daddy.." Huli na ng marealize ko ang aking sinabi. Nagngiting aso na ang aking ama.

Sht.

"Alright then. May sinabi lang akong plano para sa project kay Light that's why I'm here.." nakangiting sabi nito bago bumaling kay kyle.

Tumango ako. "Sige po dad.."

Unwanted First Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon