Chapter 42

6 0 0
                                    

Matatapos yata ang maghapon ko na nanunuod nang movie. Celine's sleeping on the sofa. Nakatulog na ito dahil nakailang movie na din kami. Pangatlo na itong Kdrama na pinanunuod ko.

Ica's on the airport kung saan siya nagttrabaho. Ica's flight attendant. Well, sa Airkians siya nagwowork at mataas na ang posisyon niya doon. She finish her OJT there and she have a potential talaga kaya naman kinuha agad siya ni Daddy para doon na magwork. Hindi dahil ang pamilya namin ang may ari noon kaya mataas ang posisyon niya sa Airkians. Pinaghirapan ni Ica iyon kaya naman ganoon siya ngayon.

Naiinip kong sinulyapan ang cellphone ko. Baka kasi may texts na siya pero wala. He must be enjoying the moment. Ipinatong ko ang mukha ko sa tuhod ko.

Uminom ako nang coke in can na nasa center table. Tumayo ako at pinatay na ang Tv. Hindi ko din naman naiintindihan ang pinanunuod ko eh.

Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Yurika ang tumatawag kaya agad ko iyong sinagot.

"Kiaaaaa!" matinis na sigaw nito kaya naman nailayo ko sa tainga ko ang aking cellphone.

"Ano ba Yuri!?"

Narinig ko ang pagtawa niya. "Where are you? Nasa condo kaba?"

"Oo why?" Tanong ko dito.

"Night life? Sa Cliqq tayo. Sunduin kita?" napapangiwi ako dahil sa tingin ko ay sumisigaw siya dahil maingay sa kung saan man siya naroroon.

"W-wait, who's with you?"

Narinig kong may tumatawag sa kanya. "I'm with Huzmin and Shill pero nandito din ang ibang kaibigan ni Shill na sina Pam! So madami tayo.." sumisigaw na sabi nito.

Huzmine and Shill ay ang mga kaibigan din namin noong high school.

"Eh si Elle? Tska nasa Cliqq na ba kayo?" tanong ko dito bago tumayo at nilingon ang wall clock. Magaalas syete pa lang nang gabi.

"Wala si Ellery. May isasalba na namang buhay ang ang lukreng na iyon.." tumatawang sabi niya. "Yes nasa Cliqq na kami. Sunduin na kita baka di mo pa alam ito e?"

Napalingon ako kay Celine nang makitang umupo ito sa sofa na pinagtulugan niya. Kinukusot nito ang mata niya.

"Wait yuri. Celine's here sa condo ko.." Nakakunot noo akong nilingon nang pinsan ko. She mouthed 'sino yan' kaya naman sinabi kong si Yuri.

"Oh! Isama mo sissy!" masayang sabi nito.

Pinatay ko na ang tawag at sinabinf magreready na ako at itetext nalang siya kapag tapos na ako.

"Ayoko cuz. Ikaw nalang. Papasundo na din ako kay Ica mamaya para makauwi na nang condo namin no!" sabi nito habang nakaupo sa sofa at nagtitipa sa phone niya.

"Okay fine!" sabi ko rito. Alam ko naman kasing hindi ko na siya mapapapayag sumama e.

Sinuot ko ang isang tube top dress at naglagay nang kaunting make ups. Nang matapos ay agad kong tinawagan si Yuri para masundo na niya ako.

Pagkababa ko ay nagulat ako nang nakabihis din si Celine.

"Gagabihin si Ics. Pasabay nalang ako cuz sainyo?" Ngumisi ito at nagpeace sign pa. Napailing na lamang ako at ngumiti.

"Celestine, ano bang balak mo sa kotse mo? Itambak lang sa garage niyo ganon?" tumatawang sabi ko rito bago sinarado ang pinto nang condo.

"Psh! I'm too scared to be involved sa mga car accidents no! Tska na.."

Napairap ako dito. Ganyan siya, masyadong takot maaksidente. Masyadong takot masugatan..

"Marunong ka naman magdrive e, takot ka lang talaga.." sabi ko dito nagkibit balikat lamang siya.

Unwanted First Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon