Pagkapasok pa lang ng Clover's ay sumalubong na agad sa kanya ang ingay at magulong mga tao. Mausok pa. What do you expect? Nasa bar sila.
"Mam- i mean kian, buti na lang po talaga at sumama na kayo saamin.." natatawang sabi ni Bash. Sinabihan ko kasi sila na Kian na lang ang itawag sakin. Ayoko ng masyadong pormal.
Tumango lang ako rito. Napasama na kasi nila ako sa treat daw ni Light, pinagtulungan ba naman akong pilitin at pinagpaalam pa talaga ko kay daddy.
I texted yuri, at sinabing bukas na lamang kami magkita kita, pumayag naman ito dahil may biglaang lakad rin siya.
Namiss ko nagbar. Sa paris kasi halos laman ako gabi gabi ng bar, mayroon naman kasi akong mga kaibigan roon.
Pumasok kami sa isang VIP room, may pumasok na waiter at itinanong ang mga orders namin, puro sanmig at mga cocktail drinks lang ang inorder ng mga kasama ko. "3 shots, jack daniels.." sabi ko sa waiter. Tinignan naman ako ng mga kasama ko even light. seryoso ang titig nito.
"It's a hard drink, kianna."
Tinaasan ko ito ng kilay. "It's hard, i know. I can handle myself dont worry about me."
Natuto lang naman ako uminom ng mga hard drinks noong nasa paris ako, mataas naman din kasi ang alcohol tolerance ko. Plus, karamihan sa mga bar roon puro hard drinks and wine lang talaga ang sineserve, kaya nasanay na rin ako.
Nagkwe-kwentuhan ang mga kasama ko, paminsan minsan ay tinatanong nila akot sinasagot ko rin naman.
Katext ko si Elle, she want to meet with me. Marami raw siyang kwento saakin. Ang babaeng ito, akala ko porket magdodoctor na, titino na hindi pa rin pala!
"Dude! Long time no see!" narinig kong sabi ng isang lalaki. Wala akong panahong lingunin sila. I'm busy with my phone.
"Bigatin kana ngayon ha, patreat treat kapa sa mga co-workers mo, at dito pa sa bar ko. Maafford mo kaya?" mayabang na sabi ng lalaki.
Tumawa naman si light. "Gago, thats the point, kaya nga dito ako nagpunta eh, para libre!" humahalakhak na sabi ni light sa kausap na lalaki.
"Ang cute talaga ni Sir Jam, kinikilig ako." impit na tili ni bash, nilingon ko naman ito at napatawa ako ng makitang pulang pula ito. Tinignan ko ang kausap ni light. Lumingon rin ito saakin at nanlaki ang mga mata nito. Ako naman nakakunot ang noo.
"Kianna!?" gulat na sigaw nito.
"Kian, ikaw nga! Long time no see!" natatawang sabi nito at lumapit sakin pagkatapos ay niyakap pa ako, nanatiling nakakunot ang noo ko.
"J-jam!?" gulat rin na sabi ko. Si jam ito!?
Ngumiti ito saakin at tumango. "Ako nga kian!"
Natawa naman ako. "Oh my gosh jam! You've change. Hindi kita nakilala!"
Tumawa naman ito. "Ako rin kian, hindi kita nakilala! It's been years! Hindi ko alam na nakauwi kana, by the way. You've change a lot! Mas gumanda ka ngayon!" natatawang sabi nito.
Tumango naman ako. "Noong isang araw lang ako nakabalik. Well, kasama sa paglimot yun!" natatawang sabi ko.
Dumating ang order kaya naupo na ako. Si jam naman ay naupo sa tabi ko para makipagkwentuhan. "So, magkasama kayo sa kompanyang pinagtrtrabauhan ni liwanag?"
Tumango ako. "Yes, my dad assign me to be light's assistant." sabay lagok ng jd.
"Eh, wala naman bang namumuno pabalik?" natatawang sabi nito. Kumunot naman ang noo ko.
"What?"
Tumawa lang ito. "Walaaa!" may tono ang pagkakasabi nito.
Napailing na lang ako at uminom sa jd. Sa kanya ko na lang itatanong ang isang katanungan sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomanceKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...