"Dad, Light's was my Ex-boyfriend.."
Napayuko ako ng masabi ko na iyon. Hinihintay kong sigawan o magsalita si Daddy pero wala. Nilingon ko siya at tanging ang maamo lamang niyang mukha ang ipinakita niya saakin.
"W-what anak? He's your ex? H-how come?" naguguluhang tanong ni mommy.
"I know hija.." Nagulat ako sa sinagot ni daddy.
He knows what?!
Pinunasan ko ang pumatak na luha sa aking mata. "W-what dad? I mean.. What do you mean po na... A-alam niyo?"
Tiningnan ako ni daddy. "Light told me.. Bago siya pumasok sa kompanya ay pinagtapat niya saakin ang tungkol sa nangyari sa inyo years ago.. Siya rin ba ang dahilan ng pag-alis mo anak?" Pumungay ang mga mata ni daddy at tumayo.
Tumulo muli ang mga luhang akala ko'y naubos na pero hindi pa pala.
"Jesus! I'm so clueless about this issue Alexander!" naiiyak na sabi ni mommy bago tumayo at lumapit kay daddy.
Niyakap naman ako ni Lianna mula sa likod. "Hush ate.."
Nanginig ang balikat ko dahil sa pagiyak. Damn! Nakakahiya sa magulang ko dahil nalaman nilang umalis ako nang dahil sa isang walang kwentang lalaki!
"Dad, I-m so sorry. I was hurt---" hindi ko natapos dahil sa pagiyak ko ay patigil tigil ang pagsasalita ko.
Damn! Ang tagal ko ng di umiyak ng ganito! Huli noong nahuli ko si Light...
"Your hurt, anak.." mas lalo akong naiyak nang niyakap ako ni daddy.
Ngayon may karamay ako.. Ang pamilya ko..
Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat ni daddy pati si mommy ay umiiyak na din.
"Alexander! Magfi-file tayo ng kaso sa babaeng nanakit sa anak mo.." madiing sabi ni mommy ng maimasmasan na ako pero nakayakap pa din ako kay daddy.
"Hon.. Nagfile ng kaso ang Elaine Domiguez na iyon laban sa anak natin dahil napuruhan siya ni Kianna sa pagsampal niya.."
Hindi na ako nagulat. Expected ko na iyon but I don't care..
Narinig ko ang pagtawa ni Lianna. "Serves her right! Ate kianna doing jiu-jitsu Dy, mabuti nga at sampal lang ang binigay sa kanya ni Ate eh----"
"Lianna Ava.." madiing tawag ni Daddy kay lian na nakapagpatahimik dito.
"So what are we going to do Alexander? Ayokong umapak ng presinto ang anak natin!" kinakabahang sabi ni mommy.
"Hon, sa tingin mo papayag ako ng ganoon? Calm down.."
Kumawala ako sa yakap ni daddy, at hinarap ko si mommy. I bet my eyes swollen, bigtime!
"My, I can handle po.. Wag na po kayong magalala..." pagod akong pilit ngumiti sa aking ina.
Niyakap ako nito at hinaplos ang aking likod.
"Kianna anak, let Light explain okay? Give his chance to explain.." paalala ni daddy at nginitian ako bago muling yumakap.
Pagkatapos kumain ay pumunta ako sa kwarto ko dito sa bahay upang maligo. Dito na rin muna ako pinatulog nila mommy at daddy, masakit ang katawan ko at pagod din siguro ako kaya pumayag na lang din ako.
Pagkapasok ng banyo ay agad kong hinubad ang damit ko at nagpunta sa bathtub pinaayos ko na ito kanina sa isang katulong kaya nakahanda na.
Naging mas kalmado ako dahil sa maligamgam at amoy ng pinaghalong lemon at strawberry flavor na nunuot sa sabon na nasa bathtub.

BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomanceKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...