"Hon, pabayaan mo na si Light sa bagay na yon. He's done with what you want. Let your son to be happy now.." napalingon ako nang marinig ang boses ng mommy ni Light.
"Mom, Dad.." bati ni Dark sa mga ito habang pababa sila nang kanilang grand stairs.
Niyakap nito ang kanyang ina at hinagkan ang pisngi nito. "Dark anak! You done with your Macau presentation?" nakangiting tanong ni Tita Ludy sa kanyang panganay na anak.
She'a wearing a yellow dress and a yellow flats shoes. Ang kanyang kulot na buhok ay nakalugay. Para siyang old version ni Yunique dahil kamukhang kamukha niya ito. I think nasa mid 50's na sila nang daddy ni Light pero hindi iyon mahahalata dahil ang ganda ng mommy nila, simple pero ang elegante kasi nyang tingnan. Ang kanyang maputing balat ay namana sa kanya nang kanyang mga anak.
"My, dad.." tawag ni Light sa mga ito kaya napalingon sila saamin. Kinabahan ako sa tingin nila lalo na nung dad ni Light.
"Light anak!" nakangiting bumaba ang kanyang Ina at sinalubong ito ni Light. Nanatili akong nakangiti nang bahagya habang tinitingnan silang magkayakap nang ina.
"Your dad tell me that you got the deal! We're so proud of you anak.." malambing na sabi nang kanyang ina sa kanya.
Ngumiti si Light at tumikhim. Tita Ludy's eyes pinned on me. Kaya naman hindi ko alam kung yuyuko ako o ano.
"Wait, is she your new girlfriend? Akala ko ba your pushing Kianna back to you!?" humina ang boses nang kanyang ina sa part na iyon.
Gusto kong tumawa dahil hindi niya ako nakilala? After 5 fucking years naman kasi kianna! Ang dami naba talagang nagbago sakin?
Narinig ko ang tawa ni Light. He wrapped his arm around my waist. "Yes my. And I'm done pushing her back... Because if no? Siguro wala pa siya ngayon sa harap mo.." natatawang sabi ni Light.
Nagulat ang mommy niya. "W-wait! Si Kianna na ito!? Oh my god anak! Sorry!" natatarantang sabi nito bago ako niyakap nang mahigpit. I hug her back.
Damn! Pakiramdam ko'y yakap ko si Mommy ko.
Humiwalay siya sa akin. "God! You change a lot anak! Sorry if I didn't recognized you agad! Your so gorgeous! Your looked like legally lady now!" masayang sabi nito habang hawak ang kamay ko.
"Tita baka po maniwala ako sa gorgeous na sinasabi mo po ha?" tumawa ako.
"Eh ano naman? Ang ganda ganda mo talaga ngayon! Kailan kapa bumalik? Ni hindi mo na ako dinalaw! Sunny said that you two meets sa school nila!" maligayang pagkkwento nito.
Tumango ako. "Yes po tita! Mga one week pa lang po ako nun dito sa Pilipinas noong nagkita kami ni Sunny. How are you na po?"
Umiling siya. "I'm okay hija. I am so glad that you give your second chance to my son. He really deserve it hija. Alam mo naman kung gaano ako kasuportado sa inyong dalawa diba? Sadyang nagkaroon lang nang problema ang negosyo namin.."
Ngumiti ako dito. "Tita lets just leave that na po. Ang mahalaga po yung ngayon.."
Nagtawanan pa kami nang may sinabi siya saakin tungkol sa ginagawa ni Light noong wala ako. Nakakalungkot lang dahil unabot sa point na nagaway sila noong Daddy niya dahil doon.
"Kianna.." Napalingon ako sa Daddy nila Light nang tawagin ako nito.
Alanganin akong ngumiti dito. He look like Dark! Yung sobrang nakakanerbyos talaga pag tiningnan ka nila? Ganon!
Kahit may edad na ay maganda pa din ang tikas nang katawan nito. Ngayon ay parang nakikinita ko na ang magiging itsura ni Light kapag naging kaedad na siya nang Daddy niya. Kamukhang kamukha nila! Moreno lamang ang kanilang Daddy samantalang sila ay may kaputian.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomanceKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...