Flashback."Yesss! Bakasyon naaaaaa.." masayang sigaw ko sabay higa sa kama ko.
Kakagaling ko lang ng school para makuha ang card ko. Natapos ko na din kasing mapapirmahan sa mga teachers ko ang aking clearance. So far wala naman akong naging problema. Ako pa ba?
4th year na ako sa susunod na pasukan at di na ako makapaghintay na makagraduate.
Excited kasi talaga akong magcollege eh. Gusto ko ng maranasan ang buhay kolehiyo. Yung tipong di na whole day ang pasok.
I mean, yung minsan isang araw isang subject lang yung klase niyo? Parang ang saya kasi. Tapos magkakaroon na ko ng barkada? He-he kaso magagalit si daddy. Bawal gala gala lagot ako dun.
"Kianna, pinapatawag kana ng mommy mo kakain na. Bumaba kana.." Si manang pala.
"Okay manang. Bababa na po.. " sabi ko sabay tayo sa kama ko.
Nagpalit muna ako ng sando at panjama. Lumapit ako sa salamin at inayos ang straight kong buhok. Sinuot ko din ang eye glasses ko.
Nerdy look daw ako dahil sa eye glasses ko na ito. Bakit ba? Masama bang mag eye glasses? Tska ano bang pakelam nila diba.
May grado ang salamin ko pero mababa lang naman. Nahihilo kasi ako kapag di ko ito suot.
Bumaba na ako at naabutan kong nandon na sila Daddy, Mommy and Lian.
Umupo na ako sa upuan ng dining table namin. Katabi ko din si Lian at katapat ko naman si mommy si dad nasa gitna.
"So kian anak. Where's your report card?" tanong ni dad habang naglalagay ng kanin sa plate niya.
"Nasa room ko po daddy. Mamaya po after natin kumain kukunin ko po para makita niyo.. " sabi ko.
Di naman strikto si dad sa amin, pero pagdating sa pagaaral namin ay nako. Sobrang strikto niya. Gusto niya kasing ayusin daw namin ang pagaaral namin, hindi daw dahil nakakaangat kami sa buhay e aasa nalang kami don.
"Lianna. Your card?" tanong ni dad kay lian.
Lianna's grade 5. Tiningnan ko siya at napalunok siya.
Napangisi ako I bet. May mali na namang ginawa to. Di makasagot agad eh.
"He-he! D-dad nasa k-kwarto ko po.." sabay kamot niya sa ulo.
Patay kang bata ka!
"Tama na iyan. May gusto kaming sabihin sa inyo ng dad niyo." pagiiba ng usapan ni mommy. Alam niya na kasi pag ganyan si Lian eh.
Napatingin kami sa kanya. Ano kaya yun?
"Since vacation niyo naman. Doon muna kayo magbabakasyon sa tita myra niyo sa pampanga.." sabi ni mommy sa amin.
Nagkatinginan kami ni Lian, parehas kaming nakanganga. Seryoso!? Sa pampanga!? No way!
Hindi naman sa ayaw naming tumira o ayaw naming makasama sila tita myra at mga pinsan ko dun. Tita myra is the oldest sister of my mom. Pero kasi....
Ang boring dun! Walang signal! Daig pa namin ang nasa bundok!
Napatayo si lianna.
"Seriously mommy? No way!" OA na sabi ng kapatid ko.
Tumikhim si daddy. Napatingin kami sa kanya.
"Girls, you have no choice. Me and your mom are leaving. Sa makalawa na ang flight namin papuntang LA. Aasikasuhin namin ang company nila mommy mo doon. Nagkaproblema kasi doon anak. So please cooperate, ayaw naman namin kayong iwanan dito kasama lang ng mga katulong." mahabang sabi ni dad.

BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomansaKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...