Chapter 18

22 0 0
                                    

"Good morning mam!" bati saakin ng bagong guard. Remember? Tinanggal ko yung namahiya saakin na guard at receptionist.

Tinanguan ko lang ito. Naglakad na ako papasok bawat empleyadong daanan ko ay yumuyuko bilang pagbati nila.

It's monday. First day ko dito sa company ni dad.

Sumakay na ako sa presedential elevator. Si daddy lang ang gumagamit nito o kaya naman mga pamilya namin. Kaya dito ako sumakay. I press botton 16, marketing department.

Kung bakit ba naman doon pa ako naiassign ng daddy ko? Well, kian. Tiis lang. For experience lang naman yan.

Lumabas na ako ng elevator at naglakad papasok ng marketing department. As usual, busy employees with their eyes on computer ang madadatnan mo. Hindi pa rin kasi tapos ang iprepresent nilang offer kay Mr. Tantingco. Mamaya na ang presentation sa pagkakaalam ko. Matatapos kaya nila?

"Good morning mam" sabay sabay na bati ng mga ito. Tipid akong ngumiti sa kanila. "Morning!" balik bati ko.

"Dont call her mam. It's Ms. Ezqueza. She's just my assistant head..." biglang sabat ng kung sino sa likod ko. Ang epal niya. Sino pa ba? Si Mr. Dela Merced.

Nakabulsa ang isang kamay nito, at hawak naman ng isang kamay niya ang black coat niya. Oh di siya na gwapo.

Nakakasuka. Tss!

Tinignan ko lang ito at inirapan. "Whatever.." bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?"

I flashed my fake smile to him. "Nothing.." i rolled my eyes.

Narinig ko naman ang pagtawa ng ibang empleyado na narito. Tumingin ako sa kanila. "What's funny?"

"Wala po. Napansin po kasi namin na may chemistry kayo ni Sir." kinikilig na sabi nung bading na employee.

Ngumiwi ako. Naglakad naman papunta sa opisina niya si light ng nakangisi. "Back to work!" natatawang sabi nito.

Ang kapal ng mukha!

Naglakad na rin ako papunta sa opisina niya. At dahil nga dakilang assistant lang ako, kasama niya po ako sa loob ng opisina niya.

Pagkapasok ko ay nakita ko itong busy sa pakikipagusap sa cellphone niya. Naupo ako sa swivel chair at ipinatong ang hand bag ko sa table ko. Argh! Ang hina yata ng aircon rito? Ang init! Hindi na talaga ako sanay sa klima ng pilipinas.

Hinubad ko ang cardigan na suot ko. I'm wearing a white sleeveless dress. Kaya nagcardigan lang naman ako dahil sinabi ni mommy. Be formal daw. Formal naman ang dress, kaya lang puro sleeveless dress ang mga dress ko sa paris. Kelangan ko ng mamili mamaya.

Kinuha ko ang cellphone ko, may text si Yuri. Nagaaya sa bar mamaya. Libre daw niya, kakagaling lang kasi nito sa japan. Doon rin ito nagaral. Yurika Sakamoto is half japanese and half filipino. Her dad is a japanese, seperate ang mga magulang nito. May ibang asawa na ang mommy niya at may anak na rin ito.

I tap my reply. I said yes. Wala naman akong gagawing iba mamayang after dito sa office.

Si Elle naman ay busy sa pagdodoctoral nito. Natawa nga ako ng malamang magdodoctor ito, paano ba naman ang kikay kaya ng babaeng iyon.

Bigla kong namiss ang highschool life naming tatlo.

"Using cellphone in office hour? Is that your work here? Magcellphone? While your co-workers are busy then you, magcecellphone lang?"

Nakatingin ito saakin, tumayo ako sa kinauupuan ko. Ang sarap nyang sampalin. Ngumiti ako ng pilit "So what i am gonna do, sir?" Gusto kong masuka sa pagpapakabait ko sa lalaking ito! Kung bakit ba naman kasi ito pa ang manager!

Unwanted First Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon