Flashback .9
Naiwan akong nakakanganga dito. Ano bang problema ng liwanag na yun!?
Aish!
Bumalik na ako kung nasaan amg mga kasama namin, bahala siya.
"Oh, nasan si light?" tanong ng kumakain na si jam. Nandito kasi sila sa may nagbabarbeque nasa tapat lang nito ang dance constest.
Kinuha ko ang ibinibigay na barbeque ni Ica. Nagkibit balikat lang ako kay jam. "Iniwan ako e, bakit ang bipolar ng kaibigan niyo? Bigla na lang nagagalit sakin." habang ngumunguya. Ang sarap.
Tumawa naman ang mga ito. "Nabadtrip dun sa mga totoy kanina na pinupuri ka, ikaw kasi eh."
Kumunot ang noo ko. "Totoy?"
"Hahahahaha. Yung mga kaAge ni Baby lian siguro yung mga yun. Ang hot mo daw kaya ayun, naghot din ulo ni liwanag." at tumawa ang mga ito.
"Kuya jam! Dont call me baby na! I'm big girl na e."
Natawa naman ako sa reaksyon ng kapatid ko, baby kasi talaga tawag nila sa kanya kasi daw mas bata sa kanila si lian. Tska super close kaya ni lian sa mga iyan.
Tumawa lang ang mga ito.
"Ang possesive naman ni lighty." natatawang sabi ni Zia.
"Sinabi mo pa, haha! Ganun din yun kay ela---- aray!" hindi na natuloy ni jelu ang sasabihin niya dahil bintukan ito ni Sheen.
"Oh, eto pa kain pa!"
"Iaannounce na daw kung sino nanalo, tara na.. " hindi nako nakapagtanong dahil magaannounce na nga.
Lumapit na kami roon, kumakain pa din ako ng barbeque, infairness ang sarap nito.
"The grand champion of solo dancing contest is......
Masyado naman kasing seloso si light. Ramdam ko ang pumumula ng pisngi ko.
Light! Argh.
"Contestant #7. Ms. Kianna Ezqueza!"
Ako yun! Pero bakit?
"Ahhhhhhhhh! Omg. Cous! Ikaw nanalo!" sabay inalog alog pa ako ni zia.
Nanlaki ang mata ko. Ako nanalo?
"Omg ate! Told you!" sigaw ni lian sa akin.
Itinulak nila ako paakyat ng stage. Shocks. Ako talaga panalo?
Nginitian ako ng baklang announcer. "Congrats, kaya naman pala nagsisigawan ang mga kalalakihan. Ang ganda mo naman pala!" nakangiting sabi nito.
Nahiya naman ako sa papuri niya. Ngumiti ako pabalik rito. "Ay thank you po, hindi naman po."
Inabot nito ang trophy at ang cheqboard na may 200 thousand cash prize.
Nagpalakpakan ang mga tao at ang mga judges ay nagsitayuan. Pinatugtog ulit nila ang isinayaw ko at pinasayaw ulit ako.
"Woooo! Party party. Congrats ulit kian!" natatawang sabi ni Azi habang gumigiling giling pa. Nandito kasi kami sa isang mini bar dito sa resort nila Sheen. Hindi naman talaga siya bar na katulad ng nasa manila, ang mga nagbabar lang naman dito ang mga nasa loob lang ng Monteclaro's. At first time ko makapasok ng bar. Pinagbigyan ko lang ang mga ito. Celebration daw.
Kami lang ni Azi, sheen, jam, jelu, lei, zia, brent, ica at ako ang nandito. Sila heil, hiro, celine at Lian tska si dash nasa hotel na. Ayaw nila eh.

BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomanceKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...