Masaya siyang sumakay sa kanilang kotse, paano ba nama'y bakasyon na. Nakagraduate na din siya ng 4th year, at katulad ng dati. Siya ang baledictorian.Sa wakas! Magcocollage na ako! Masayang pagiisip niya.
Bibisita siya sa pampanga, sa kanyang tita myra, kapatid ng kanyang ina. Nagpaalam naman siya sa magulang niya.
Kasama niya ang bestfriend niyang si Azi na uuwi sa pampanga, may kamag anak din kasi ito roon.
Excited siya oo. Sobrang excited niya! Paano ba naman nung bakasyon pa ang huling punta niya roon. Tapos ngayong bakasyon lang ulit siya makakabalik.
"Too excited to finally meet again my cousin e?" natatawang tanong ni Azi sa kanya.
Napangiti na lamang siya.
Light. I miss him so darn much! He's my boyfriend. Yes. I have a boyfriend. A secret one.
Di kasi alam ng daddy at mommy niya, alam niyang tututol ang mga ito dahil masyado pa siyang bata para makipagboyfriend pero anong magagawa nila? Nainlove na siya, tska wala naman silang ginagawang masama.
"Yes azi, di ko naman itatanggi na miss na miss ko na si Light no! Kung pwede lang paliparin ko na tong kotse ginawa ko na! I badly wanted to see him na!" natatawang sabi ko.
Tumawa lang din ito at napapailing na lang.
Kahit na sa mga nakaraang araw puro pagaaway sila ni Light hindi pa rin niya magawang magalit ng matagal rito. Isusuprise pa nga niya.
Napangiti na lang ako. Matutulog muna ko para mamaya pagdating namin doon may energy ako. Plus! I miss my cousins too! Magbobonding kami panigurado.
Nagising ako ng nakita kong malapit na kami sa bahay nila tita, gosh! Kumabog ang dibdib ko. Eto na! Makikita ko na ulit siya!
Huminto ang kotse sa tapat ng gate ng mansion nila tita pinasok ng driver namin ang kotse. Pagkahinto nito'y lumabas agad ako at inayos ang dress ko at ang eyeglasses ko. Inayos ko din ang straight at mahaba kong buhok.
Pagkapasok ko pa lang ng bahay nila tita ay sinalubong na agad ako ng magugulo kong pinsan. Expected na kasi nila ang pagdating namin ni Azi.
"Cous! We miss you so much!" sabay yakap ko sa mga ito.
Natawa naman ako. "Me too! Di ako nakakapagstroll doon sa manila eh. Alam niyo naman si daddy!" natatawang sabi ko.
Nalaman kong wala pala sila tita at tito. Pumunta daw ng cavite may inasikaso.
"Kian, can i talk to you for a while?" seryosong sabi ni Dash. Ang panganay na anak nila tita.
"Okay dash." sumunod ako sa kanya, huminto kami sa garden.
Nakatalikod siya sa'kin, malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito bago humarap sakin.
"You're too serious dash, di bagay!" nagbibirong sabi ko pero sa totoo lang parang kinakabahan din ako sa gusto niyang sabihin.
Parang di maganda.
"Alam mo namang una pa lang ayoko na kay Light para sayo diba?" seryosong tanong nito.
So it's all about light again?
"I know, but you told me na susuportahan mo na lang ako sa kung saan ako masaya diba?"
Ayaw niya kasi talaga kay light simula pa lang. Para daw kasing wala naman itong gagawing matino.
"Yes ki! But i saw him with other girls! Sa school, sa farm house, sa bahay nila sheen, at sa race!"
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomanceKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...