Chapter 7

30 1 0
                                    

Flashback .1

Kakarating lang namin dito sa bahay ni tita myra, inabot din kami ng isang oras mula dun sa pinagflatan namin.

Eto kami ngayon kumakain, ako kakatapos ko lang pero ang kambal at si lianna? Ayan lumalamon pa.

Oo lamon ang tamang word sa paraan ng pagkain nila ngayon. Mga gutom na gutom eh!

"Ano ba kasing pumasok sa isip niyo at naisipan niyong tumakas?" tanong ni tita habang sineserve ang kaning kinuha niya.

Pangapat na kuha na iyan ni tita ha?

"Cous, isabay mo na ang buong manok oh!" sarkastikong sabi ni celine kay lian.

Tiningnan ng masamang tingin ni lian si celine.

"Hahaha joke. Sige kain pa. Here oh! Rice pa." natatawang sabi ni celine

"You should shut up cous. Magbiro kana sa bagong gising, wag lang sakin na gutom." seryosong sabi ni lian sabay subo ulit ng pagkain.

"Hahahaha!"

"Eh kasi nga tita gusto namin si Col na magdrive e ayaw ni tito at daddy kaya ayun tumakas kami" paliwanag ni Zia

"Nagplano na din kasi kayong tatakas bakit di kayo nagbaon ng pagkain!" natatawang sabi ni Ica.

Kanina pagkarating namin dito di pa din matanggal sa isip ko yung light na mayabang na yun! Argh. Ang pangit niya!!

"Tumawag ang daddy niyo kian, galit na galit. Nagalala daw sila sa inyo! Kung bakit ba naman kasi di kayo nagpaalam." si tito george na kakapasok lang dito sa kusina.

Tumawag kasi si dad sa kanila. Lagot kami. Mga planuhan kasi eh!

Modern and traditional ang tema ng bahay nila, simple yet elegant house. Presko pa dahil sariwa ang hangin kasi mabukid.

Kapag ka nasa terrace ka ng bahay nila kita mo ang malawak na taniman ng palay. Nasa tabing daan naman ang bahay nila tita.

Up and down ito. Nasa second floor ang mga kwarto na magiging kwarto muna namin hanggang nandito kami.

"Tita, where's my room here? Im sleepy e." inaantok na sabi ni Lian kay tita. Nag ikab pa ito

Kala mong bahay niya to maka-kwarto e.

"The second one lian. Kayo ni ate mo dyan." si tita habang inilalapag ang nachos sa table.

May maid naman sila dito. Si manang lising at manang carmen at ang driver nila si manong Idoy.

Kaya dito napiling manirahan nila tita myra ay dahil na rin sa negosyo nilang sakahan, mayro'n nga silang rice mill factory e. Pero may bahay din naman sila sa manila.

"Hey li! You sleepy? Okay. Sleep tight. Hey! Kian, Col, Zi, Twins, Ica, Celine and Dash lets stroll. Para mapasyal na namin kayo dito." nangaasar na sabi ni lei kay lianna.

Nagsitayuan kami sa pagkakaupo namin sa sofa at akmang lalabas na kami ng pinto ng nagsalita si lian.

"Oh! Sino nagsabing inaantok ako kuya lei? Im not! Lets go. Stroll! Wooo!" si lian habang nilagpasan na kami. Nauna pa sa labas ng bahay

Nagkatinginan kami at napailing na lang sa inakto ng kapatid ko. Well.. Spoiled brat.

Lei, dash, celine and Ica are siblings. Anak sila ni tita myra and tito george.

Unwanted First Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon