Chapter 14

18 0 0
                                    

Si kian, suot ang tshirt ni Light.Malalaman niyo din naman present life na, kung mapapansin niyo italic ang letters na ginamit ko sa flashback. So, yun lang.

Flashback .8

"Kian, stop it!" saway sa akin ni Light.

Tumatawa naman ako sa reaksyon niya. Sinasabuyan ko kasi siya ng tubig dito sa dagat, hanggang bewang ko ang tubig.

Ang mga pinsan ko naman ay busy sa pagvovolleyball dun sa tabing dagat, samantalang si brent at zia. Ayun, nagjejetski. Ano na kaya ang real score between them?

Si louise nama'y kasama ng mga pinsan ko na nagvovolleyball. Well, nahalata ko nga ang pagkakagusto nito kay Azi paano ba naman ay kung nasaan si Azi ay naroon din ito. Manhid lang yata talaga ang bestfriend ko at di mahalata iyon.

Maganda naman si louise, but i feel bad for her. Ang playboy ni Azikiel! Sa lahat ng magugustuhan niya si Azi pa. Napailing na lang ako, sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa isang Azikiel Dela Merced?

"Ayaw mo talagang tumigil? Okay." tumalikod ito dahil akala ko'y aahon na siya pero laking gulat ko ng bumwelo lang pala ito para mabasa ako ng tubig, sinamantala niya ang pagkakataon na yun para mabuhat ako ng pasako.

"Put me down! Put me downnnnn!" Sigaw ko ng naglalakad siya papunta sa malalim na parte ng dagat.

Tumatawa lang ito. Hawak niya ang bewang ko, kiniliti pa ako nito.

"Haaa! Hahahahaha. Stop it. Hahahahahaha! Put me down!" Natatawang sigaw ko dito, kinikiliti pa din ako nito. Nakakaagaw pansin na kami.

"Light. Hahaha! Put me down. Nakakahiya na sa mga tao, tinitingnan tayo." bulong ko dito.

Binitawan na naman ako nito at hanggang taas ng dibdib ko ang tubig. Mas matangkad kasi siya ng konti sakin.

Ngingiti ngiti pa ang loko sakin. Ang gwapo talaga ng lukoluko!

"C'mon. Jetski tayo." pagaaya nito saakin.

"M-marunong ka?"

"Aayain ba kita kung hindi? Tsss. Lets go." ang suplado!

Hinawakan nito ang kamay ko at umahon kami para lumapit doon sa may mga jetski na pinaparentahan.

"Sheen's friends." sabi ni light doon sa nagbabantay at tumango lamang ito.

Lumapit kami sa mga jetski na naroon. Nagsuot muna kami ng lifevest. Sumakay na si light sa isang black and skyblue na jetski. Tiningnan ako nito na parang sinasabing 'what are you waiting for' look.

Inalalayan ako nito na makasakay sa likod ng jetski. "Hold tight." sabay kuha sa dalawang kamay ko at iniyakap sa bewang niya.

Meralco alert. Abnormal na naman po ang tibok ng puso ko.

Nagsimula na niya itong paandarin, pinabilis niya ito kaya mabilis din kaming nakalayo.

Sinasalubong namin ang sariwang hangin. Paminsan minsan ay ibinababa ko pa sa tubig ang isang paa ko kaya nagsusuplado na namani light.

"Hmp! Ang kj nito." bulong ko.

"Iniingatan lang kita.. "

"What?"

"Wala! Sabi ko hold on tight!" natatawang sagot nito.

Nagulat ako ng bigla niyang itigil ang jetski. "What happen? Bakit tayo huminto?" nasiraan ba kami?

Unwanted First Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon