Chapter 34

8 1 0
                                    

I cant think clearly for the update.
-

Nang maibaba niya ako saaking kama ay ipinatong niya saakin ang comporter ko. Bigla akong nahiya ng inilibot niya ang paningin niya sa kwarto ko.

Magulo ang kama at ang mga unan ko'y nasa sahig. Maging itong comporter ay lukot lukot. Ang body towel ay naiwan ko lamang doon sa upuan ng cabinet ko.

Nakapamaywang nitong tinitingnan ang kwarto ko. Hinawakan niya ang kanyang necktie at bahagyang niluwagan iyon. Yung coat niya pinatong niya doon sa coach na nandito sa kwarto ko.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa hiya. Ang kalat ng kwarto ko!

"Your really in hurry huh?" sabi nito habang kinukuha iyong body towel ko na nasa may cabinet.

"Ako na dyan! Nagmamadali lang talaga ako kanina kaya ganyan.." bawal ko sa kanya.

Akmang tatayo ako ng nilingon niya ako.

"Try to stand and I'll kiss you.." seryosong sabi niya.

Para naman akong namagnet sa kama at hindi ko na maipagpatuloy ang aking pagtayo.

Tumawa siya at lumapit saakin. Nakasimangot ko siyang tinignan.

"You dont want to be kiss huh?" sabi nito at pinagpantay ang aming mukha. He look at my lips.

Tinulak ko siya.

"Magluto kana nga! Masasapak na kita!" mataray na sabi ko rito ngunit tumawa lamang siya at tinaas ang dalawang kamay.

"Alright. Rest first, gigisingin kita pagkakakain na, tatawagan ko na din ang pwedeng maglinis dito.." malambing na sabi nito habang hinihiga ako at pinatong ang kumot saaking katawan.

He kissed my forehead. And the last thing i hear is the closing of the door.

Nagising ako ng tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at nakitang isang oras na pala akong nakatulog. May text doon si mommy maging missed calls ay meron.

Mommy:
How are you anak? Sinabi saakin ng daddy mo na nagsprain daw ang ankle mo?

Dahan dahan akong sumandal sa headrest ng kama at nagtipa ng reply.

Ako:
I'm fine, my. Nagpapahinga lang po ako sa condo. I missed you.

Matapos magreply ay sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking kamay. Maayos na ang kwarto ko ngayon, mukhang napalinis niya na sa tagapaglinis nito.

Sinuot ko ang aking house sleepers at dahan dahan akong tumayo para makababa sa kitchen.

Tapos na kaya magluto yon?

Nahihirapan man maglakad ay humawak na lamang ako sa pader ng condo upang hindi matumba dahil paika ika nga ang lakad ko. Mas mabuti na ang pakiramdam ng paa ko ngayon kaysa sa kanina na sobramg sakit.

Napapangiwi ako sa bawat paghakbang pababa ko sa hagdan. Damn! Sa ilalim muna ako matutulog mamaya!

Nang idilat ko muli ang aking mata ay nagulat ako ng makitang nandoon si Light sa baba.

Nalalaglag ang panga ko ng makitang topless siya at may kaunting pawis sa noo. His only wearing his black maong pants plus my blue bunny house slippers! Damn!

Dalawa kasi ang aking ganoong tsinelas na pambahay, i like bunny slippers. Itong suot ko ay kulay pink!

Ang kanyang adonis belt ay nakahapit ng maayos sa kanyang baywang! Maging ang kanyang buhok ay medyo magulo.

"Stubborn. I told you not to walk without me tss.." masungit na sabi nito bago ito nagmamadaling lumapit saakin at hinawakan ako sa aking baywang upang alalayan maglakad.

Unwanted First Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon