Flashback .2
"Magkakilala kayo cous?" tanong ni Ica habang nagpapalipat lipat ang tingin sa'min dalawa nung light na panget na'to.
Kumukulo talaga dugo ko sa lalaking to ang yabang kasi!
"Ate ica, siya yung tumulong sa'min kaninang naflatan kami. Siya din nagbigay sa'kin ng foods. By the way thanks for that!" nakangiting sabi ng kapatid ko.
Napairap na lang ako.
"So guys. Tara sa pool area, let's have a snack." yaya ni sheen sa'min.
"Yonnnnn! Kain ulitt!" sigaw nung jam.
"Ang patay gutom mong tarantado ka no? Inubos mo na nga stock namin sa cabinet e!" si sheen.
"Oy ako lang ba kumain nun!? Pati si jelu no!"
"Gago! Idadamay mo pa 'ko sa katakawan mo!" natatawang sabi nung jelu.
Napangisi ako sa pagsasalitaan nila.
Pagkarating namin sa pool area ay bumungad samin ang maluwang na swimming pool na napapaligiran ng bermuda grass. Sa paligid pa nito ay mga nakaayos na mga halaman. Super relaxing ang itsura nito.
Parectangle siya na may 2circle sa gitna medyo nakaangat. Parang painfinity. Well, may taste ang nagdesign.
"Sa tree house tayo!"
Napalingon ako sa sinabi ni sheen at nakita ko ang isang kubo na nasa puno sa may gilid ng pool. Wow! Ang ganda!
Mataas ito kaya may hagdan sa gitna.
Tinawag ni sheen ang katulong nila at sinabing magdala ng pagkain.
Nauna ng umakyat sila sheen at sumunod ang mga pinsan ko. Nagpaiwan muna ako. Tinitingnan ko pa kasi ang paligid.
Ang ganda talaga ng pool area nila!
"Di kapa ba aakyat?" napalingon ako sa nagsalita.
Napataas ang kilay ko. "What do you care?" mataray na tanong ko sa lalaking mayabang na to.
Narinig ko ang pagtawa nito. Pati ba naman pagtawa, sexy pa din?
Asdfghjasdfghj.
"Bakit ba ang taray mo sakin?" natatawang tanong nito sakin.
Nilingon ko siya at ngumisi. "Mataray ako sa lahat."
"No. Sakin lang eh. Kanina nga nginitian mo pa mga kaibigan ko lalo ng si Skyler."
Napatingin ako sa kanya. Wala pa siya nun diba?
"Ano bang dinadrama mo dyan? Wag ka ngang assuming!" sabay irap ko sa kanya. Paakyat nako sa hagdan ng tree house bahala siyang magdadada dyan.
"May gusto ka sakin no?" napalingon ako sakanya sa gulat.
Napatawa ako sakanya "Ang kapal pala talaga ng mukha mo? AKO!? MAY GUSTO SA---"
Diko na natuloy ang sasabihin ko dahil nalaglag ako sa hagdanan ng hagdan.
Damn it! Napapikit na ko at handa ko ng salubungin ang lupa.
Ang tanga naman kianna!
Nakapikit pa din ako. Ba't ang tagal ko namang dumapo sa lupa?
Unti unti kong dinilat ang mata ko at bumungad sakin ang muka ng isang anghel.
"What? Are you done checking me out? Ang bigat mo kasi eh!"
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomanceKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...