Flashback 10.
Mabilis lumipas ang mga araw. May natitirang 8days na lang kami at pasukan na ulit. Babalik na ulit kami ng manila. Hay! Mamimiss ko dito.
Dumating na sila tita nung isang araw pero umalis ulit. Pumunta ng cebu. Naroon din kasi sila daddy at mommy, nakauwi na galing L.A.
Kami ni light okay lang. So far so good sabi nga nila. Paano ba naman pinapatunayan talaga nyang deserve niya ang chance na binigay ko. Nililigawan niya ako. Sabi nga ng mga pinsan ko parang kami na. Bakit daw ba kasi hindi ko pa sagutin. Lagi ko namang sagot. 'Eh. Kinakabahan pa rin ako, baka malaman ni daddy. Magagalit saakin yun' tapos sasagutin naman nila ako ng 'Edi wag ipaalam.'
Ayoko naman sirain ang tiwala ng magulang ko sakin.
"Ate! Kuya light's here!" sigaw ng kapatid ko. Nandito kasi ako sa kwarto at sila naman nasa sala. Dinungaw ko si lianna na nasa unang baitang ng hagdan. Kung makasigaw.
"Okay, wait lang!" lumapit ako sa salamin at tinignan ang itsura ko. Mukhang bagong gising pa ang mga mata ko. 11am na kasi, 9:30 ng magising ako.
Nagpalit ako ng white vneck shirt. Nakasando lang kasi ako, magagalit na naman yung topakin na yun pag nakitang nakaganun ako. Hindi na ako nagpalit ng panjama, ang cute nga ng panda printed panjama ko. Ipinusod ko ang buhok ko, Isinuot ko na ang eyeglasses ko at bumaba.
Nang makababa ako ay inabutan ko ang mga ito na nanunuod ng The walking dead. Si lianna, ayun nakataas ang dalawang paa at nagtatakip ng throw pillow sa mukha. Pati di Ica at celine. Haha! Si heili lang talaga ang hindi. I love horror movies. Si light naman ay prenteng nakaupo sa sofa na 2seater. Umupo ako rito, ngumiti naman ito sakin. "Morning." sabay abot ng boquet of roses. Araw araw akong nakakatanggap sa kanya ng ganyan, minsan pinapadala niya pa.
Kinuha ko ito. "Yung totoo? May garden kayo ng roses?" natatawang tanong ko.
"Tss. Masanay kana, diba nga araw araw liligawan kita." seryosong sabi nito na nakapagpainit ng mukha ko. Mga banat talaga e.
Nagiwas ako ng tingin, napatili si lianna at celine sa pinanunuod kaya naman nagtawanan kami.
"Fvck it lei." bulyaw ni Col kay lei. Tumawa naman si lei sa reaksyon ni Col. Problema ng dalawang 'to?
"Alis na ako, may sinabi lang din ako kay lei kaya nadaan ako, tska para ibigay yag flowers. May photoshoot pa. Eat your lunch okay? Takecare, seeyou later. " sabi nito at tumayo na. Tumango lang ako at hinatid lamang siya sa pinto. "Ingat." ngumiti lamang ito.
See you later? So pupunta ulit siya dito mamaya. Okayy.
Kakatapos ko lang maligo. Nagpapasama kasi si heili. Himala nga't nagaaya. Eh ang gusto lang nun sa bahay. At ako pa ang inaya. Gusto raw niya ng fresh pakwan kaya pupunta kami sa farm house.
Sinuot ko ang white spaghetti strap at ang skyblue botton down longsleeves at nagjeans. Mainit eh, nangingitim na nga ako.
Sinuklay ko na ang buhok ko pagkatapos ko ito iblower. Ipinusod ko ito at sinuot ang puting cap. Nagrubber shoes ako.
"Ki, lets go." tawag ni heili na nakasilip sa pinto ng kwarto. Tumango ako at sinabing mauuna na daw siya sa baba.
Pagkababa ko ay nagulat ako ng wala roon ang mga pinsan ko. Nasaan ang mga yun? Nandito pa lang sila kanina bago ako maligo eh. Kaya pala ang tahimik.
"Heil, nasaan sila?"
Nagkibit balikat ito. "Nagstroll yata." napatango na lang ako kahit nakakapagtaka at hindi nila kami sinama ni heili.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomantizmKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...