Pagkatapos kumain ay lumabas muna ako ng bahay nila Light at bumaba sa hagdan pababa sa puti at pinong buhangin. Hindi ko na sinuot ang aking tsinelas, iniwan ko doon sa hagdan pababa rito sa buhangin.
Nakataas ang magandang bahay nila light. Aakyat ka muna sa ilang baitang na hagdan bago ka makapasok sa bahay nila. Alam mo yung parang second floor na pero hindi naman? Basta. Para iyong nasa taas ng isang burol. Kaya nga lalo pa iyon gumandang tingnan dahil sa pwesto.
Naglakad ako papunta sa puno na malapit sa tabi ng dagat, ang mga paa ko ay bumabaon sa makapal na puti at pinong buhangin. May sun lounge rin doon malapit dagat. Sa ilalim ng puno ako pumunta dahil nakita kong may duyan roon. Sa tabi ng duyan ay may mini table at dalawang upuan.
Exaggeratedly, It's so damn peaceful and beautiful here! Para akong nakatingin sa isang makatotohanang painting!
Ipinirmi ko sa kanang bahagi kong balikat ang buhok ko dahil nililipad iyon ng sariwang hangin. Umupo ako sa duyan at pinatong ang braso ko sa tuhod ko bago ipinatong ang mukha ko sa mga kamay ko habang tinatanaw ang asul na dagat.
"Dapat pala nagdala ako ng makakain!" sabi ko sa sarili ko.
Napatingin ako sa bahay nila Light at nakitang papunta siya rito sa kinalalagyan ko. May dala siyang picnic basket na sa tingin ko'y may lamang mga pagkain. At sa kanang kamay niya ay nakita kong bitbit niya ang tsinelas ko.
He's now wearing a white loose botton down shirt and a beach short. Nakabukas ang ilang butones ng kanyang botton down shirt. He's like a greek model! Tinatangay ng malakas na hangin ang kanyang may pagkamahaba niyang buhok.
Nang makalapit ito saakin mas lalo kong naaninag ang kanyang kulay abong mata na nakatingin saakin. Inilapag niya ang basket sa mini table, pagkatapos ay inilapag niya sa buhangin ang aking tsinelas.
"Wear your slippers kian. Baka makatapak ka ng mga shells, masusugatan ka.." sabi nito.
Ngumuso ako rito. "It's so hard to walk with slippers on my foot with the sand! Kaya ayon nagtapak nalang ako.." sabi ko rito habang isinusuot niya sakin ang tsinelas.
Nakaluhod siya sa harap ko. Nilingon ako nito ng nakakunot ang noo. "Don't be stubborn.."
Inirapan ko lamang siya. "Whatever.."
Narinig ko lamang ang mahinang pagtawa niya. Tumayo ito at kinuha ang Coke in Cans at mga chips. Ipinatong nito ang mga iyon sa table.
"Wait.. Nasaan pala tayo?" tanong ko rito.
Masyado na akong nalibang sa magandang tanawin na nasa harap ko at pati ang pagtatanong kung nasaang lupalop ba kami ng bansa ay hindi ko na naitanong.
Iniaabot niya saakin ang Coke in Can. "Batangas. Sa resthouse namin.." simpleng sagot nito saakin bago uminom sa inumin niya. Umupo ito sa upuang nandoon.
What? Nasa batangas kami!?
"Light! We have work on Manila! Paanong.. nasa Batangas tayo?" tanong ko rito.
Itinuon niya saakin ang kanyang mga mata. "Don't mind our work. Nakausap ko na ang Daddy mo at ipinaalam kong nandito ako at kasama kita.." simpleng sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"What did you say!?" pinaalam niya kay daddy!?"I told your dad, that your with me.. Kinausap ko siya kagabi bago kita dinala rito. Your so damn pretty to see peacefully sleeping on my car, kaya hindi na ako nagabalang gisingin ka para ipaalam na dadalhin kita sa Batangas. Kaya sa Daddy mo na lang ako nagpaalam na dadalhin kita roon. And he said 'yes'.." he said so cool and so calm! While me? So damn nervous!

BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomantizmKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...