Nagising ako dahil sa pagkalam ng aking tiyan sa gutom. Kinusot ko ang aking mata bago hinila ang kumot upang ipulupot pa iyon saaking katawan.
Mahapdi ang aking mga mata dahil sa pagiyak kanina feeling ko nga ay chinita ito ngayon dahil sa pamamaga.
Tahimik sa kwarto tanging tunog lamang ng aircon ang naririnig ko. Bukas na iyon ngayon dahil sarado ang glass door na palabas sa veranda.
Nakita ko ang purse ko sa side table, kinuha ko iyon at kinuha ko ang cellphone ko. Nakita ko ang texts nila Skyler at nila Zia kagabi na nandoon, tinatanong kung nasaan ako. Hindi na ako nagreply at malamang sa malamang e alam na nilang kasama ako ni Light.
Kanina ng ilapag niya ako dito sa kama ay mabilis akong dinalaw ng antok dahil sa mahapdi din siguro ang mga mata ako. Nang makita ang alarm clock sa side table ay nakita kong alas kwatro na ng hapon. Kaya naman pala kumakalam na ang sikmura ko.
Bumangon ako at inayos ang kama, hindi ko naman bahay 'to para magtamad tamaran nakakahiya naman.
Pumunta ako sa bathroom at naghilamos muna ipinusod ko na ang aking buhok. Bago bumaba sa kitchen.
Tahimik nang bumaba ako sa sala ng bahay. Kaya pumunta ako sa kitchen upang makakain.
Naabutan ko siyang nagluluto nga kung ano. Nakatalikod siya dito sa banda ko. He's wearing a black apron. And he's topless for goodness sake! Ang kanyang beach short lang ang suot niya.
Nang lumingon ito ay bitbit niya ang pan na may lamang pasta isinalin niya iyon sa plate na nasa table. He looked so damn man with that!
"Gising kana pala. I'm sure your starving?" nakangiting sabi nito saakin habang inaayos ang pastang niluto niya. Binuhusan niya iyon ng mas maraming sauce kaya naman natakam ako.
Tumango ako sa kanya. Bago umupo sa upuang inilalahad niya saakin.
Tinanggal niya ang apron at sinuot ng pabaligtad ang kanyang puting tshirt. Matapos noon ay binuksan niya ang ref at kinuha ang juice.
"Pinagluto kita ng pasta. Or kakain ka ng kanin?" tanong nito habang sinasalinan ang baso ko ng juice.
Pinagmamasdan ko siyang inaasikaso ako. Mukhang nagsisimula nang bumawi ha?
Kianna, nung paguwi mo pa lang naman inaasikaso ka na niya masyado ka lang nabulag sa galit mo.
"I'm okay with pasta.. " ngumiti ako ng bahagya dito.
Tumango siya at ngumiti. "Okay.." kumuha siya ng plato at kutsara pagkatapos ay umupo na sa tabi ko.
Kinuha niya ang pasta at nilagyan ako sa plato ko. Ganoon din sa kanya.
"You want to swim after we eat?" tanong nito habamg kumakain kami. Uminom ako sa juice bago siya sinagot.
"Hmm. Yes?" bahagya akong tumango dito pagkatapos ay pinagpatuloy ang pagkain.
Ang tagal ko ng di nakapagbeach ulit. Huli noong nasa France ako kaya medyo naexcite ako.
"Okay. We'll swim after we eat.."
Pagtapos kumain ay naghugas muna ako ng plato na pinagkainan namin, ayaw ni light pero pinilit ko na ako na kaya wala rin siya nagawa. Wala pa si Manang eydi dahil nasa bayan pa daw.
Pumunta ako sa kwarto upang tanggalin ang damit ko. Humarap ako sa salamin ng natanggal ko na ang damit ko at suot ko nalang ngayon ang puting two piece swimwear. Inayos ko ang pagkakatali nito sa may batok ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ko. I have a fine body. Naggym ako plus jiu-jitsu kaya naman napapanatili ko ang katawan ko. Though, i don't have a big tits and big butt. Masaya na ako sa ganito lang.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomanceKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...