Flashback .6
*Tik tok tik tok tik tok tik tok!
Kanina pa ako gising pero di pa ako bumabangon. Tinatamad talaga ko.
Wala na si Zia sa tabi ko paggising ko, sinabi sakin nito na magjojogging daw sila ng brent 'niya' take note! 'Brent niya' inangkin na si brent! -_-
Hay! Nakakatamad. Buti pa sa manila nandun Elle at Yuri-- mga kaibigan ko.
Tinignan ko ang cellphone ko at may message si Elle doon.
From: Sissy Elle
Morning sissy! Yuri and me missing you so much! Com'on, it's sunday. Let's make some gala! :)Sabi na eh. Hindi ko pa nga pala nabanggit sa kanila ang pagvavacation ko.
I type my reply.
Me: Imissyoutoo! I want, but i can't sissy. :( Im on vacation. Nandito kami ni lian dito kela tita myra. Sorry.
Sent!
Hay! 4 weeks and 2days na pala kami dito.
Bumangon na ako at pumunta sa cr, naghilamos ako at bumaba na para magbreakfast.
Pagkababa ko'y naabutan ko ang mga pinsan kong nagbrebreakfast na din. Past 9am na eh.
"Ate, morning! Kavideo call ko kanina lang sila daddy! Hinahanap ka, di na lang kita ginising kasi tulog kapa, sinabi ko na lang kay dad na tulog kapa nga.. " si lian habang ngumunguya. Ang takaw talaga ng kapatid ko na ito.
Nagkibit balikat ako. "I texted naman na kagabi si mom, li." sabi ko at umupo sa tabi ni col na abala sa paglalaro ng dead race sa tab niya.
Inabot ko ang fried rice at naglagay sa plato ko.
"Hi mom, dad!" narinig kong sabi ni celine habang nakaharap sa laptop.
"Tito and tita?" tanong ko. Tumango naman ito, kaya tumayo ako. Lumapit ako sa kinauupuan niya at kumaway kela tito at tita.
"Hi tito, tita! Morning." nakangiting bati ko sa kanila.
Hindi pa kasi makakauwi ang mga ito dahil hindi pa tapos ang inaayos nila.
"Hi kian, how are you guys? Inaasikaso ba kayo ng maayos nila lei dyan? Please, don't do anything bad okay?" natatawang sabi ni tita.
Napatawa namin kami. "Tita naman!" natatawang sabi ni Hero.
Bumalik ako sa upuan ko at nagpatuloy kumain.
"Heil, where's my phone?" narinig kong tanong ni hero sa kakambal niya busy sa pagkain.
"Sabi mo nga 'your phone' tapos sakin mo itatanong kung nasa'n? Malay ko sa cellphone mo." umirap pa si heili sa kambal nito.
Basag na naman sa hero. Hahaha!
"Guys guys. Sheen texted me, swimming daw tayo. Nasa resort nila sila ngayon. Pinapasunod tayo. Game?" narinig kong sabi ni Lei.
Nilingon ko ang pinsan ko, swimming? Not bad. Mainit naman.
"Really kuya?" nagniningning ang mata ng kapatid ko.
"Now na lei?" si Ica.
Tumango ito sa kapatid. "Yes, so hurry up! Pack up your things, overnight tayo."
"Wait.. Is it light there too?" kahit ako'y nagulat sa tanong ko.
Nakita ko ang mga mapangasar na tingin ng mga pinsan ko, mga nakangisi pa ito sakin.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomanceKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...