Chapter 3

37 1 0
                                    

Kakatapos lang namin maglunch. At nandito kami ngayon sa sala. Kanina habang kumakain kami nagkwentuhan lang kaming tatlo nila mommy. Tinanong nila kung anong natapos kong kurso sa France.

Sinabi ko sa kanilang natapos ko ang kursong Business Ad. Ofcourse I wanna help my dad with our businesses.

"So Lian how about you? How's your school? Your graduating high school na. What do you want to take in college? You can take Business Ad too."

Ngumisi siya sakin.

"Ate. I don't want Business chuchu! Si daddy and mommy and you were in to business na! Idadamay niyo pa ko? No way! I want Civil Engineering ate.."

Ngumisi ito bago kumagat sa brownies na hawak niya.

Napataas ang kilay ko sa sinabi ng kapatid ko. Civil engineering? Not bad. But..

"Seriously Lianna?" Nakataas na kilay na sabi ko.

Hindi sa wala akong tiwala sa kakayahan ng kapatid ko. But. I know lianna… a lot! Siya yung tipo ng taong di basta basta nagseseryoso sa mga bagay bagay! Hindi ko siya katulad na sineseryoso lahat ng mga bagay bagay.

Nakita ko siyang lumaki. Elementary pa lamang siya sakit na siya sa ulo ni mommy at daddy dahil puro kalokohan ito.

Spoiled si Lianna of course she's our bunso that's why.

Minsan nga may ginawa yan sa kaklase niya na kamuntik pa niyang ika-kick out sa school niya.

Paano ba naman daw kasi may nakaaway siyang kaklase daw niya. Inaartehan daw kasi siya. Hindi naman daw maganda yung kaklase niya so wala daw itong karapatang mag inarte o mag maganda! Second year siya noon.

So ang ginawa daw ni Lian inabangan daw niya ito sa parking lot. Nagkunwari siyang makikipagayos. Dinala daw niya ito sa likod ng kotse namin. Habang naguusap daw sila di namalayan ng kanyang kawawang kaklase na may maitim ng balak na ginagawa ang kapatid kong magaling!

Inipit ni Lianna ang palda ng kanyang kaklase sa may converter ng kotse namin. Tska siya umalis at sumakay na sa kotse namin. Sinabihan niya ang driver namin na alis na daw kaya ang resulta?

Nahubaran ang kaklase niyang anak pala ng isang mayor. Tawa ako ng tawa noon! It was so ugh. Embarassing. Gosh. Azi told me that. And swear! Tawa ako ng tawa ng kinukwento niya sakin yun.

Then kinabukasan lang pinatawag na sila daddy ng guidance councilor ng school. Galit na galit daw yung nanay nung babae. Mabuti nalang kakilala ni dad yung daddy nung babae so napagusapan nila ng maayos.

"And why Engineering Lianna?" Nakataas na kilay na sabi ko.

Humagikgik siya.

"I just.. I just want it ate. It's cool!" Nakangising sabi niya sakin.

"Okay whatever. Just make sure don't give dad and mom headache again Li!"

Ngumuso siya at. "Yes ate!"

"Kian. Can you explain now?" Seryosong tanong sa akin ni mom.

Tiningnan ko ang kanyang mga mata at alam kong seryoso na si mommy.

"Mommy. Diba sinabi ko na sa inyo na gusto ko lang talaga. I want to----"

"Stand on your own feet? Be an independent? Thats it Kianna Alexandra? You think your reason is valid!?" May galit na sabi ni daddy.

Naputol ang sasabihin ko sa biglang pagdating ni daddy. Nakatalikod ako sa may bandang pinto ng aming bahay kaya hindi ko namalayan ang pagdating ni Dad.

Tumayo ako at humarap kay daddy. Gwapo pa din ang daddy ko kahit na bakas na ang pagkakaedad na. I miss my dad.

"Dad. I'm sorry..." nakayukong sabi ko.

"You think your sorry will be a valid kianna. 5 years? Then sorry?" Nanunuyang sabi ni daddy.

I know. Mali talaga ang ginawa ko. Nilapitan ni mommy si daddy at kinuha ang business bag nito.

"Alexander. Your daughter feel sorry of what she did. Wag mo ng pagalitan ang anak mo. Ang mahalaga umuwi na siya..." sabay haplos sa braso ni dad.

My parents. Sila yung gusto kong gayahin kapag naging magulang na din ako. Naging mabuting magulang sila sa amin ni Lianna.
Habang lumalaki ako. Hindi ko sila nakitang nagaway. Kahit may problema sila agad nila itong inaayos.

Narinig ko ang buntong hininga ni daddy..

"Sa ngayon. Naiintindihan kita anak kung bakit di mo pa din masasabi sa amin yung totoong dahilan ng biglang pagalis mo.."

Napatingin ako kay daddy at nanggilid talaga ang luha ko. That's why I love my dad. Iniintindi niya ako.

Lumapit ako sa kanya at hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko ng niyakap ako ni dad ng mahigpit.

"I miss you anak. I miss my kianna so much!" Naiiyak din na sabi ni daddy at hinalikan ang aking buhok.

Ngayon ko talaga mas narealize kung gaano ko namiss ang pamilya ko.

"So lot of dramas dad! Eh di mo naman din matitiis si Ate Kian. Group hug! " Sigaw ni Lian sabay yakap sa amin.

Natawa ako.

"I miss you too dad. So much! And I'm so sorry for what I did."

"It's okay. Ang mahalaga bumalik kana sa amin." Nakangiti ng sabi ni dad.

Nandito ako sa kwarto ko dito sa bahay namin. Pagkatapos ng 'so called heart to heart talk daw' sabi ng 'maganda ko daw' na kapatid na si lianna ay umakyat ako dito sa kwarto ko.

Walang pinagbago. My yellow room was still the same! Mas lalo lang luminis ito. Knowing my mom. Napaka eyes-on nun sa kalinisan ng bahay namin. Ayaw niyang nakakakita ng dumi. Ang pangit daw tingnan. Oh my god. Kala mo namang may apo na siyang magdudumi ng bahay.

Napalingon ako sa side table ng kama ko. Kumunot ang aking noo ng makita nandun pa din ang picture na iyon!?

Like... what the hell!? Tinapon ko na ito ha!?  Oh my god.

Kinuha ko ito at tinapon sa trashcan na nasa kwarto ko.

Ang mga bagay na patapon na kelangang tinatapon na! Di na kelangan pahalagaan. Nakakadagdag kalat lang sa buhay.

Oh god. Really kian? Tss!

"Kian! You need to freshen up!" sabi ko sa sarili ko sabay pasok sa CR ng kwarto ko.

Unwanted First Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon