Chapter 46

10 0 0
                                    

Napatakip ako sa bibig ko nang maramdamang nasusuka ako. Hininto ko ang kotse sa gilid at mabilis na ininom ang mineral water na dala ko.

Nahihilo ako magmula kaninang paggising ko. Bakit ba kasi uminom pako nang kaunti kagabi.

Papunta ako ngayon sa Pampanga. Nakapatay ang phone ko dahil ayokong may makaalam kung nasaan ako. Ayokong malaman niya kung nasaan ako!

Magaala-sais nang umaga nung umalis ako saamin. Nagpaalam naman ako kay mommy kung saan ako pupunta. Sinabi ko sa kanya na kapag nagtanong kung nasaan ako wag sabihin. Tinanong niya ako kung may problema pero sinabi ko na lang na gusto ko lang magpahinga. Siya na din daw ang bahalang magsabi kay daddy.

Malapit na lang ako sa bahay nina Tita Myra dito. Sa pagkakaalam ko ay wala sina Tita dito pero Kuya Lei is here and his wife Ate Lean. Sinabi sakin ni mommy na dito nila napiling magbakasyon dahil maselan ang pagbubuntis niya.

Mabilis kong tinahak ang daan upang makapagpahinga na agad ako. My headache is killing me. Tapos hilong hilo pa ako.

Ang laki na nang pinag-iba dito. Kung dati ay kaunti ang mga bahay, ngayon ay mas dumami na at mas gumanda ang mga bahay nang mga taga rito. Ang malawak na rice plantation ay kulay berde senyales na kakatanim pa lamang ng mga ito.

Nang makita ang pamilyar na kulay puting gate ay bumusina ako. Agad na lumabas ang caretaker nila Tita na si tatay lino. Ngumiti ako dito at kumunot ang noo niya. Mas dumami na ang mga puting buhok niya ngayon. Binaba ko ang salamin nang bintana.

"Si Kianna po ito, tatay.." ngumiti ako dito.

"Aysus. Napakagandang bata mo na ngayon ineng. Pasensya na't hindi agad kita nakilala.." Ngumiti ito at unti-unting binuksan ang gate.

Ang magandang garden nang bahay nila tita ay mas gumanda ngayon. Ang kanilang traditional and modern theme house ay nanatiling simple pero eleganteng tingnan wala iyong pinagbago sa labas, hindi ko lang alam yung sa loob.

Kinuha ko ang dala kong maleta at ang handbag ko. Nahihiya man ay pinabayaan ko nang dalhin iyon ni Tatay lino paakyat dahil mabigat din iyon.

"Lei! Bakit naman ang tagal mo--" natigilan si Ate Lean ng makitang hindi si Kuya Lei ang dumating. She's wearing a white pregnancy dress. Sa pagkakaalam ko ay 5 months na ang pinagbubuntis niya kaya naman malaki na din iyon.

Modelo si Ate Lean kaya naman matangkad at maganda siya. Nakikita ko siya sa magazine noon at nakilala ko din siya sa ibang kaibigan ko noon sa paris. kaya nang malaman kong siya ang napangasawa nang pinsan ko ay ganoon nalang ang tuwa ko.

Ate Lean's came from a wealthy family kaya naman noong kinasal sila ay kulang nalang ay maging wedding of the year. Nakakapagsisi lang dahil wala ako noon.

"K-KIANNA!?" Gulat na sabi nito saakin. Bahagya akong tumango at ngumiti. Mabilis siyang yumakap saakin.

"Ate! Careful!" Natatawang sabi ko rito.

Humiwalay siya sakin at ngumiti. Mapula ang kanyang pisngi kahit wala naman siyang make up.

"Buti napasyal ka? I'm so happy your here! May makakausap ako!" Masiglang sabi niya.

"Ate, maguunwind lang.." ngumiti ako sa kanya at pumasok na sa loob nang bahay.

Tinanong ko si Kuya Lei kung nasaan at sinabi niyang pumunta daw sa bayan para ibili siya nang prutas dahil naubos ang stock nila dito.

"Ate, pahinga muna ako ha? Pagod e.." malatang sabi ko rito. Ang sakit pa din talaga nang ulo ko.

Bahagya siyang tumango. "Mukha nga. Ang putla mo pa. Sige matulog ka muna.." aniya pagkatapos ay ngumiti pa saakin.

Unwanted First Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon