Chapter 43

4 0 0
                                    

Nagising ako sa araw na tumatama sa mukha ko. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman na masakit ito. Damn headache.

Napalingon ako sa kwarto na hindi ko kilala. Black and white ang kulay nito maging ang mga gamit. Niyakap ko ang unan at napangiwi nang makaramdam nang sakit sa ibaba. Nasa condo ako ni Light at may nangyari samin kagabi.

Hindi pala panaginip iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na nakasuot na ako nang isang sando at sa tingin ko'y panjama ni Light dahil sobrang haba noon sakin.

Hindi ko maiwasan mapaisip sa nangyari kagabi. Nagkasagutan kami kagabi. Tapos....

Napailing ako at naramdaman ko ang paginit nang pisngi ko dahil sa nangyari! I just gave him myself pero wala namana kong nararamdamang pagsisi doon.

I love light so much. And from this day, magtitiwala lang ako sa kanya.

Tumayo ako nang dahan dahan dahil sa sakit nang 'ano' ko. Nakita kong alas onse na nang umaga!

Oh my god! I still have a work! Napangiwi ako nang maramdaman muli ang sakit dahil naglakad ako nang mabilis. Bakit naman kasi pumasok na ang isang yon at iniwan ako? Hindi man lang ako ginising!

Napaupo ulit ako sa kama at nakita ang picture namin doon ni Light noon sa side table niya. Heto yung sinurprise niya ako sa farm house! I was smiling at the camera and he's looking at me seriously. Ngayon ko lang ito nakita!

Mayroon din akong picture doon na nasa duyan noong pumasyal kami sa park!

Gusto kong maluha. Matapos pala ang lahat ako pa din. Lahat pala nang ginawa niya para sa pamilya niya lang din. He sacrifice his own happiness for his family.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa glass door na nandoon at binuksan ang kulay itim at puting kurtina nandon. Napangiti ako nang makita ang maaliwalas na sikat nang araw. Pakiramdam ko'y ang saya saya ko kahit na hindi pa maayos ang lahat.

Wala akong nararamdamang pagsisi.

Matapos ayusin ang kwarto ni Light ay naligo na ako. Maghahanap muna siguro ako nang maisusuot na damit ni Light. Lumabas ako nang nakatapis lang nang tuwalya, maging ang bath soap ko ay ginamit ko ang sa kanya kaya pakiramdam ko tuloy ay kasama ko siya.

Pumasok ako sa walk in closet niya at binuksan ang cabinet doon. Nakita ko agad ang nakaayos niyang mga coat. Nang buksan ko ang isa pang cabinet ay nagulat ako nang makita may mga dress doon at underwares!

What the hell!? Lahat ito ay may tags pa.

Kinuha ko ang kulay yellow na sleeveless dress. Umupo ako sa harap nang salamin at nakitang may mga powder din doon! Seriously?!

Nang matapos magayos ay lumabas na ako nang kwarto at pumunta sa kusina. Ang sakit pa din.

Nakita kong may pagkain sa table at may sticky note doon.

Goodmorning my kian. Sorry for leaving early. Ngayon na kasi ang meeting with Mr. Dominguez so i need to prepare. Wag kana pumasok sa office. Nagpaalam na ako sa daddy mo. Di na kita ginising, because i'm enjoying watching you sleep, your too pretty. See you later. I love you! :* -Light

Napangiti ako at kumain nang niluto niya. Pagkatapos ilock ang pinto ay naglakad na ako pasakay nang elevator. Uuwi muna ako nang condo ko.

Pumara ako nang taxi kaya mabilis akong nakarating doon. Nagulat ako nang makita si Yuri na pababa nang kotse niya dito sa parking lot.

"Yuri!" ngumiti ako dito at hinalikan siya sa pisngi. Ngumisi siya saakin at hinagis ang purse ko. Binuksan ko ito at agad na tiningnan ang phone ko.

Unwanted First Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon