Pagkagising ko pa lang ay naramdaman ko na ang pagkirot ng ulo ko. Nakainom nga talaga ako kagabi!
Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang alas diyes na nang umaga. Nakausap ko na naman si Dad na malalate ako matapos ko siyang tawagan kagabi pagkauwi ko, nagtanong siya kung bakit kaya sinabi kong nakainom ako kagabi dahil dumating si Sahara pinagsabihan niya ako noong una pero sa huli'y pinabayaan na lamang ako.
Napatitig ako sa kisame nang aking kwarto at naisip ang nangyari kagabi. Umiyak ako kagabi ng dahil na naman sa kanya pero hindi na naman na katulad noon na umabot sa puntong umalis ako ng bansa.
He's really a jerk nothing's change.
He is Kianna! So stop attaching yourself to him!
Bumuga ako ng hangin bago bumangon. Sinuot ko ang bunny slippers ko at nagpunta sa Cr upang maghilamos.
Bumaba ako ng kusina upang makapag almusal na. Bubuksan ko na sana ang ref ng makita ang pagkaing nakatakip na nasa mesa. Binasa ko ang nakadikit na kulay pink na sticky notes doon.
'Goodmorning cuz. Thanks for a sleep tonight. Can't wake you up. Alam kong lasing ka kagabi eh. So I cook this breakfast! I have a early trip to London today thats why I'm too early.-Your gorgeous Zia'
Napailing na lamang ako sa nakalagay sa sulat, ano naman kayang gagawin noon sa London? Baka bibisitahin si Col?
Kumuha ako ng juice sa ref at umupo sa high chair. Zia cook a typical breakfast. I don't eat rice pag breakfast but it's already 10: 30am kaya naman kumain na din ako ginugutom na din eh.
Pagkatapos kumain ay naligo na ako at nagbihis upang makapasok na ng opisina. I wearing a lacy top and a pencil skirt plus my skin tone heels na bumagay sa lacy top ko. I put my usual light make up on my face and let my hair fall.
Lumabas na ako ng condo at siniguradong nailock ko ng maayos ang pinto nito pagkatapos ay sumakay na nang elevator.
Halos mahilo ako ng pumasok sa isip ko ang posibilidad na magkita kami ni Light sa opisina. Natural kianna! Magkikita at magkikita kayo dahil nasa iisang opisina lang kayo at assistant ka niya!
Napahawak ako sa ulo ko. Dapat pala hindi na muna ako pumasok eh!
Ano ka!? Ano? Iiwas kana naman ganon!?
Ofcourse not!
Bumuga ako ng hangin upang iwala ang naiisip ko. Mabuti na lamang pala at magisa ako sa elevator dahil kung hindi ay magmumukha akong baliw dito.
Just be casual! Ganoon na lamang ang gagawin ko! Ano ba kasi dapat eh.
Padarag kong binuksan ang kotse ko at pumasok doon. Inilagay ko sa front seat ang bag ko.
Tumunog ang cellphone ko.
Heil Calling.....
Kumunot ang noo ko. Himala at tumatawag ang cold na babaeng ito.
"Hi cuz!" nakangising bati ko rito.
"You want to try dead race again?" malamig na sagot nito saakin.
Oh diba? Wala man lang kagalang galang! Naghi ako wala man lang response!
But wait.. Dead Race....
"Where?" pagtatanong ko rito pero sa totoo lang ay naeexcite na ako!
"City Car Racing at Circuit Makati, 8pm sharp..." malamig na sabi nito.
"Alright! I'm in..." nakangising sabi ko.
Narinig ko na ang end call kaya naman di'ko mapigilang hindi mapangisi. Damn! I'm going to race again!
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
Любовные романыKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...