Pagkatapos maligo ay kaagad akong naglotion para makapagbihis na. Magaalas dose na at nagtext na si Light na nasa lobby na siya!
Pagkatapos ng pagkikita namin kanina ni Skyler ay nagkuhanan lang kami ng number dahil nagmamadali rin siya pagkatapos maggym ay mabilis akong umuwi dito sa condo.
Pagkatapos magbihis ng isang blue dress ay kaagad ko binlower ang aking buhok at naglagay ng light make up.
"Damn!" Bulong ko sa sarili ko habang sinusuot ang strappy black stelletos ko. Magaala una na!
Mabilis kong sinara ang pinto ng condo at mabilis na sumakay ng elevator. Saktong pagbukas nito ay bumungad sa akin si light na nakaeye glasses. Ngumiti ito saakin at nginitian ko ito pabalik.
"Aakyat na sana ako para icheck ka.."
Gusto kong magmura, bakit ba ang unfair ng genes nila at kung bakit kahit anong isuot niya ay bagay sa kanya!? The eye glasses suits to him well! Nakaputing poloshirt ito at black maong na itinupi ang laylayan nito at isang Gucci. Nakaayos ang buhok niya ngayon kumpara sa araw araw na medyo magulo yun.
"Let's go?" Nilingon ko ito ng buksan niya
Nakangiti ito at ako nama'y pumasok na ng kanyang kotse.
"Sorry, nalate. Naggym pa kasi ako.." Hinging paumanhin ko. Halos isang oras siyang naghintay!
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "It's okay.."
"So.. Where do you want to eat?" Biglang tanong nito ng huminto ng magstop light.
Nagkibit balikat ako.. "I don't know, para namang may alam ako no? Tss.."
Tumawa ito sa sinabi ko. "Paalis alis pa kasi.."
Minabuting hindi ko na lamang siya pansinin.
"Elaine know about this?" Biglang tanong ko. Mahirap na at baka masugod na naman ako noong palaka na yon.
"We broke up.." napalingon ako sa kanya. Walang bakas ng lungkot o pagsisi man lang akong nakita.
"Sorry to hear that.."
Tumawa ito. Inihinto niya na ang kotse ng may makita na itong mapapark-an sa parking lot. Bumaba siya at bababa na din sana ako ng naunahan niya akong mabuksan ang pinto..
"Thanks.."
Sa isang mall kami pumunta pagkapasok pa lamang ng mall ay kulang nalang ay magkanda bali bali ang leeg ng mga babaeng tumitingin sa lalaking nasa tabi ko.
Mayroon pang grupo ng high school students na nakatingin sa kanya at magbubulungan pagkatapos ay magtatawanan.
Kababata pa landi na inaatupag. Napailing na lamang ako.
"Kian, here.." tawag sakin ni light pagkatapos ay hinawakan ang aking kamay bago hinila papasok sa isang restaurant.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Nilapitan kami ng waiter upang ituro ang bakanteng pwesto.
Pagkatapos makuha ng waiter ang aming order ay umalis na rin ito.
"I saw Skyler.. Kanina sa gym.." sabi ko sa kanya. Tinignan naman ako nito at hindi man lang kumibo.
Wag mong sabihing di sila nagkikita?
Biglang dumating ang order kaya kumain na kami.
"Yunique wants you to go to her 17th birthday.. Pinapasabi niya, hindi na raw siya magbbirthday kung hindi ka pupunta.. That brat.." naiiling na sabi ni light bago uminom ng ice tea.
Pinunasan ko ang gilid ng labi ko. Natawa naman ako. "Kelan ba?"
"Nextweek pa naman, sunday.." sabi nito habang nakatingin saakin na para bang bagong bago siya sakin.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomanceKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...