"Zi, i only have 6 sanmig in cans dito sa ref..." sabi ko sa kay zia habang tinitignan ang laman ng refrigerator ko.
"Hey! Tama na---"
"No! Lets go, we will buy more!" saway ni zia sa sasabihin ni celine. Napapailing na sinara ko ang ref.
Napapailing si celine ng nilingon ko ito. Ngumiti ako sa kanya at nilingon si zia na nagpipipindot sa kanyang cellphone. Tumaas ang kilay ko ng makitang namumula ang kanyang mata ng nag angat ito ng tingin.
"Zi, what's wrong?" akmang lalapit ako sa kanya ng tumayo ito at pilit na ngumiti.
"Tara na? Heil! Ikaw na magdrive ng mabilis tayo." nilagpasan kami nito at dumiretso ng sala.
Nilingon ko si celine, nagkibit balikat lang ito. Sumunod na lamang kami sa kanila sa sala at ako nama'y umakyat sandali para kunin ang jacket ko.
"Damn heil! Can you drive slowly. Virgin pa ako, ayoko pang mamatay!" sigaw ni celine kay heil nakapagpatawa sa amin.
"Is that a problem? Go and try to hunt a fuckboy cuz." nakangising sabi ni heil bago tinapakan ang gas ng mas mabilis.
"Fuck you Heili Yeshia!"
Sabay sabay kaming tumawa ng malakas. Ibinaba pa ni heili ang converter ng kotse kaya tumayo ako at itinaas ang dalawang kamay sa ere. Damn! This is life!
Malinis na ang highway dahil alas dies na nang gabi. Ewan ko na lang kung hindi kami hulihin ng awtoridad pag nakita kami dahil sa nilalabag naming speed limit!
"Woooooohhhh!" sigaw ko at nakisali na rin si Ica at Zia saakin. Si celine ay nanatiling nakakapit sa kanyang seatbelt.
Nang ihinto ni heili ang sasakyan ay kaagad kong sinuklay ng aking kamay ang buhok ko dahil sa pagkakagulo nito sa hangin. Pumasok kami sa isang convenient store.
Dumiretso si heili at zia para kumuha ng inumin at kumuha naman kami ng mga chitchirya. Kumuha din ako ng chocolates, pagkatapos ay pumunta na sa cashier para magbayad.
Hindi na ako nagulat ng makita ang dami ng inumin na kinuha ng dalawa. Si heili ba naman yan. Minsan tuloy napapaisip ako, si heili yata ang dapat na si hero at si hero ay dapat na si heili. Napailing na lamang ako.
"Ziarrah! Ikaw na lang magdrive, maaaga pagkamatay ko pag si heili nagddrive eh ayoko din kay kianna, mga uhaw sa pagddrive e!" reklamo ni celine. Napangisi naman ako.
"Ayoko cuz! Tinatamad ako.." sagot ng nakasimangot na Zia.
Nilingon ni Celine si Ica "Not me sis!" nakangising sabi ni Ica, so napapagkaisahan si celine rito.
Ginulo ni celine ang kanyang buhok at nagpapapadyak na dumiretso sa pinto ng kotse. "Swear! Papaturo talaga ako kay Dash magdrive ng ganitong kotse! Arghhh!" bago ito pumasok ng kotse.
Napailing na lang kami dahil sa ginawa ni celine. Hindi niya kasi kayang magdrive ng kagaya ng kotse na katulad nitong kay Heili. Napalingon ako kay heili ng inihagis saakin ang susi. "You drive, sumasakit ang tenga ko kay celine."
Napangisi ako bago tumango. Pinaikot ko sa daliri ko ang susi bago binuksan ang pinto ng kotse.
"Ah! Hindi na talaga ako sasakay sa inyo!" sigaw ni celine dahilan para mas pabilisin ko pa ang pagpapatakbo sa kotse. Nilingon ko si heili na napapahead bang dahil nakasuot ito ng headphone.
"Eyes on the road kian!" sigaw ni celine. Nilingon ko ito at ngumisi. "Alright cuzzy!" natatawang sabi ko at itinuon ang mata sa daan.
"So, how's working with your own company cuz? Hindi ka nasusunod sa mga gusto mo ano?" natatawang sabi ni Ica bago uminom.

BINABASA MO ANG
Unwanted First Pag-ibig
RomanceKianna Alexandra Coronel Ezqueza, a certified talented girl, with her beautiful voice and her smooth moves when she's dancing. A consistent honor student. Maganda, matangkad, may porselanang kutis. Sabi nga ano pa bang hahanapin mo diba? Yun nga lan...