Chapter 22

11 0 0
                                    

Katahimikan ang bumabalot sa amin sa loob ng kanyang kotse. Ano bang dapat naming ipag ingay diba?

Pagkatapos niyang sabihin yung 'I miss you' sakin ay hindi na ako nakapagsalita.

Ano bang dapat kong sabihin diba? 'I miss you, too' ganon!? Tss.

Sa loob ng limang taong pagkawala ko, sobrang dami ng mga tao o pangyayari ang namiss ko at masasabi kong wala siyang puwang sa mga iyon.

Huminto ang kanyang kotse dahil sa stop light, inabala ko ang aking mata sa mga taong naglalakad sa gilid ng daan. Kahit papaano'y marami ding nagbago rito.

"We can play music. Pili ka.." tinignan ko lamang ang kanyang ipad na nakakonekta sa speaker ng kanyang kotse.

"Ikaw na.." nilingon ako nito at ininguso ang timer sa stop light. Nag go light na kaya kinuha ko ang kanyang ipad para makapagdrive na siya ng maayos.

Hindi pa man ako nakakapili ay tumugtog na ang speaker. Napindot yata ng hinawakan ko, hindi ko na pinalitan. Inilagay ko sa lalagyan ang ipad.

"You like James Reid?" narinig kong tanong niya. Kanta pala iyon ni James Reid?

Nilingon ko ito. "Nope..."

Hindi na ito nagsalita, parang gusto kong palitan ang kanta dahil sa lyrics nito.

"At sakin hindi kana, muling babalik babalik babalik babalik pa..." napalingon ako sa kanya ng sabayan niya ang kanta.

Bakit ba parang tinatamaan ako sa lyrics na binigkas niya?

Argh. Kinuha ko ang ipad na nasa lagayan nito, at inistop ang kanta.

"Oh, bakit mo inistop?" kita ko ang pag angat ng kanyang labi.

"Wala.. Malayo pa ba tayo? I'm starving.." pagiiba ko ng usapan. Baka saan na naman mapunta eh.

"Malapit na.."

Binalik ko ang aking tingin sa labas. At ng iniliko na ni Light ang kotse niya sa tapat ng restaurant ay agad kong iniayos ang aking damit.

Nang maipark niya na ito ay agad siyang bumaba. Umikot ito at mabilis na pinagbuksan ako ng pinto.

"Salamat.."

Ngumiti lang ito at pinauna niya akong maglakad papasok sa isang filipino restaurant.

"Ugh.." pabulong na reaksyon ko ng maamoy ko ang amoy ng adobong manok. Namiss ko tuloy bigla ang luto ni mommy.

Huminto ako sa paglalakad ng hawakan ni Light ang braso ko. Lumapit ang waiter saamin. "Do you have a reservation, sir?" tanong nito kay light. Habang ako ay inililibot ang paningin sa paligid. Ang refreshing ng lugar na ito, mga mini nipa house ang bawat lugar na kakainan! Pilipinong pilipino ang style ng restaurant na ito.

"I'm Light Dela Merced." sabi nito sa waiter at agad na tumango ang waiter. "This way mam, sir.."

Iginiya ako ni light. Sinundan namin ang waiter at huminto kami sa isang nipa house. Umupo kaagad ako sa upuan at agad na binuksan ang menu book.

"I want this Spicy Adobong manok and this." turo ko sa waiter. Agad itong nagsulat sa kanyang booklet. "And my dessert is.." inilipat ko sa kabilang page. Ayoko na ng cake! Nakakasawa. "Hmm. Buko pandan.."

Pagkatapos sabihin ni light ang kanyang order ay umalis na ang waiter. Katahimikan ulit ang bumalot saamin.

Madaming couples at mga pamilya ang kumakain sa bawat nipa hut.

"Kamusta kana.." napalingon ako ng magsalita si light. Kita ko ang pagiging seryoso niya sa mga mata niya, at sa maamo niyang mukha.

Nagiwas ako ng tingin. Bakit ba hanggang ngayon, ramdam ko pa din na kapag tumitig ako sa abong mata niya ay mahuhulog at mahuhulog pa din ako?

Unwanted First Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon