Chapter 28

7 1 0
                                    

Lumipas ang dalawang araw ko ng maayos, gumagaling na rin ang mga sugat sa aking braso na gawa ni Elaine.

Iniatras na rin ng pamilya niya ang kaso na isinampa nila dahil na din lumaban si daddy dahil na din may laban kami dahil si Elaine naman ang unang nanakit. Balita ko ay nakalabas na din ito ng hospital.

If i know maayos na naman siya talaga pero nagpapabebe lang dahil gusto niyang bantayan siya ni Light.

Oh really Kianna? Stop being like that please?

And speaking of Light, simula ng nangyari iyon ay hindi pa kami nagkikita muli dahil hindi pa din siya pumapasok dito sa EGC. Bali balita na nagleave daw muna ito.

Napailing ako sa aking iniisip at itinuon na lamang ang aking atensyon sa isang powerpoint na aking nirereview para sa aking presentation.

Nilingon ko ang aking cellphone ng umilaw ito dahil sa nagtext.

Skyler:
Let's go to clovers later?

Napataas ang kilay ko sa text niya. Well, wala naman akong gagawin mamayang gabi at matagal tagal na din akong di nakakapagbar.

Ako:
Okay.

Simula noong isang araw na nagmall at nagstroll kami ay lagi na din kaming nagkikita ni Skyler minsan ay pumupunta pa siya dito katulad na lamang kahapon na dahilan ng pagiging magulo ng mga empleyadong babae at mga binabae dahil na din sa presensya niya.

Minsan ay napapailing na lamang ako.

Nilingon ko ang table ni Light na malinis at nakaayos. Damn!

I'm not missing him okay?!

Umiling ako at pinilit magconcentrate sa binabasa kong powerpoint. Sumasakit na ang ulo ko dahil simula kaninang umaga ay kaharap ko na ang powerpoint na ito.

Nang mag-aalas syete na ay nagayos na ako para makaalis na at makauwi sandali sa condo upang magpalit ng damit and take a bath.

"Mam kian, uwi kana din?" tanong ni Bash saakin pagkalabas ko ng pinto ng opisina.

Nginitian ko ito. "Yes.."

Sabay na kaming sumakay ng elevator. Naiwan pa daw si Bob dahil tinatapos pa nito ang trabaho niya at hindi na niya ito mahihintay dahil wala na daw gamot ang kanyang ina at kelangan niyang bilhan ng gamot.

"Ano bang sakit ni nanay mo, bash?" tanong ko rito habang nasa elevator.

"Na-mild stroke si mama, Kian. Kaya ayun binibilhan namin siya ng maintenance medicine. Para ngang di nastroke yun dahil mild lang naman pero kailangan lang talaga ay tuloy tuloy ang pagmamaintenance niya.."

Nang makababa ng building ay lumapit agad ang vallet upang ibigay ang susi ng BMW.

"Sige na kian, mauuna na ako.." nakangiting paalam nito.

"Anong mauuna kana? No. Lets go. I'll take you home.."

Nanlaki ang mata nito. "H-hindi na kian! Nakakahiya naman no. Baka ano pang isipin mo.." nahihiyang sabi niya.

Hinila ko ang braso niya at mabilis na sinakay sa front seat. "Don't be!" sabi ko rito bago pumunta sa driver seat.

"Mam naman-- I mean kian, nakakahiya naman po sa inyo pupunta pa ako ng drugstore eh doon mo na lang ako ibaba.."

Halatang nahihiya nga siya dahil said kanyang pananalita.

"Bash, how many times do I need to tell you? Napakasimpleng bagay lang nito no. Besides maaga pa naman kaya maihahatid pa kita sa inyo makakatipid ka ng pangtaxi.."

Unwanted First Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon