Chapter 13

14.5K 260 1
                                    

LIANAH'S POV

"Lianah, close kayo?" tanong ni Janielle.

Kunot noo ko siyang nilingon. Kilala ko ang sinasabi niyang 'kayo' pero I need to pretend that I don't know.

"Si Uno. " dugtong niya. Napansin siguro nito yong pagkunot noo ko.

"Ahh, yon ba. Hindi nagkakilala lang kami dito. " pagsisinungaling ko.

Tumango tango na lang din siya. Buti na lang pinatawag na kami for another outfit kung hindi siguradong mag uusisa din itong si Ina kanina pa kasi ako tinitingnan nito ng makahulugan.

"Now per fair tayo. Georgina at William, Janielle at Cris, Ellen at Gabby, Michelle at Roel, Hana at Jovhan and Ianah at Uno. And the others just be ready." the photographer said. I closed my eyes. Damn, pinaglalaruan na naman kami.

Geez I really hate this. Sa dinami daming pwedeng makapartner siya pa talaga. Oo minahal ko siya at may kunti pang natitira pero tama na ang katangahang ginawa ko non. Tama nang pagsisiksik ng sarili sa kanya. I need to get over. Ayoko nang mahalin ang taong pinagmukha akong tanga. I am still in pain but unti unti ng nawawala.

"Ianah. " natauhan ako. Nakita ko si Mama J na tinuturo ang gitna. Shockss magsisimula na pala. Nagmadali akong pumunta sa gitna.

Madaming inutos at pinagawa yong photographer hawak kamay, akbay, closer daw, ganito ganyan. Tss, sarap batuhin.

"Lianah, can we talk?" hinawakan niya ako sa braso. Natapos na rin ang pagkahaba habang photoshoot namin. At sa kinamalas malasan lagi kong kapareha si Uno. At kahit gusto ko mang magreklamo wala akong magawa kasi gagawan pa kami ng issue ng mga naroroon halos lahat artista kasama namin pwera sa amin nina Ina at Janielle at sa iba pa.

May ilang nakatingin sa amin kaya nginitian ko siya.

"Uno, next time na lang. Sorry may klase pa kasi kami. " inalis niya kamay niya na ipinagpasalamat ko. Tinitigan niya ako ng seryoso. I met his gazed. Pero sa huli ako din sumuko, ayoko na sa kanya. Naglakad ako pero hinawakan niya ako uli sa braso. Magsasalita na sana ako ng may nagsalita.

"Uno, hi." ngiting ngiting bati ni Janielle ng makalapit. Inalis niya kamay niya.

"Magbibihis lang ako. " sabi ko at iniwan na sila. Thanks naman sa dalawa savior in disguise. Haist, ayoko talagang makipag usap sa lalaking yon. Psh, after ng ginawa niya may gana pa akong makipagkwentuhan sa kanya na parang walang nangyari o ineexpect niyang magmamakaawa ako para balikan niya?? Huwag na lang. Ayos na sa akin na wala siya.

Nagmadali akong nagbihis at binitbit ang gamit.

"Ianah. " si Mama J, sinalubong niya ako at ang saya saya niya.

"You're so good in modelling. As usual ikaw pa rin favorite model nila. Sana this time tuloy tuloy na 'to. "-Mama J

Nginitian ko siya at niyakap.

"Mama J, tuloy tuloy na po 'to. Thanks kasi tinanggap mo pa rin ako. " madamdamin kong sabi. Hinagod niya likod ko.

"Kasi you deserve to have it. At sayang ang galing at ganda mo. " maarte niyang sabi at humiwalay sa akin.

"Thanks Mama J. "

"Sabihin mo lang kung may problema ka. Baka matulungan kita. " bigla namang nagkaidea ako. Ahihi dahil nabanggit niya why not na di ako magpatulong.

"Ahh.. Ehh.. Mama J. M-meron nga akong probs. " nahihiya ko pang sabi. First time 'to. First time kong humingi ng tulong.

Tinanong niya ako kung ano yon kaya ito ako nagkwento at ang swerte ko kasi tutulungan niya ako. Buti na lang favorite niya ako. Ahihi gamitin ko muna yon para makahanap ng malilipatang bahay. Ang laki na kasi ng gastos ko sa hotel. Haist ang sosyal pa kasi ng kinuha ko. Minsan din ang tanga ko. =___=

Night With A Stranger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon