LIANAH'S POV
Napaangat mukha ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng dressing room.
"Hi, Ianah my dear." masiglang bati ng make up artist ko. Lumapit siya sa akin at sinimulan ang pag-aayos.
"Grabe ka 'te, may pabonggang party pa silang ginawa para sa'yo. Ikaw na ang bida. " napangiti ako sa sinabi niya.
Ito ang araw nang plinanong birthday party ni Mrs. Galvez para sa akin. Medyo nakakahiya bongga pa talaga ang birthday party na ito.
"Pero alam mo deserve mo 'to. You're really beautiful and talented. Alam mo pwedeng pwede kang maging artista. Oo nga tama bakit hindi ka na lang mag-artista? Keribels mo 'yon. Ikaw pa. " mahabang maarteng lintaya niya.
"Ayoko ng showbiz. Ang gulo. " ngiti ko na lang sagot.
"Oh yeah that's truelala. You know paparazzi dito paparazzi doon, pati private life mo papasukin. "
"Tama and fans. Kahit saan ka magpunta pagkakaguluhan ka. " dugtong ko naman. Sumang-ayon naman siya.
Abot isang oras niya akong inayusan, dami din ng pinagkwentuhan namin.
"Oh, tapos na. Tayo ka na at suutin mo na 'yong mala fairytale mong gown." maarte niyang sabi. Ngumiti ako at tumango na lang.
Nagbihis na rin ako. Napatingin pa ako sa salamin ng masuot ko na ang gown. Talagang ang gown na suot ko ang gown na special na talagang milyon ang halaga, isa ito sa gown na inirampa ko sa malaking fashion show, at ako lang ang nakasuot nito.
Kulay Red ito, na yong neckline naka illusion tapos naka trumpet style yong baba.
I am lucky, they let me to wear it and I am lucky also, they give me a party.
"Ianah, are you okay? " nagulat ako sa boses. Andito ang dear ko. Aist, bigla akong kinabahan. Baka pagtawanan niya ako, medyo tumaba kaya ako. Lalong humapit ang damit sa katawan ko.
"Ianah, dear are you okay? "
"Y-yeah, I-i'm fine. " geeez, nautal pa ako.
"Ianah, go out na. Kailangan ka na. " anang make up artist.
Napabuntong hinga muna ako at muling napatingin sa salamin ng banyo.
"Bahala na. " bulong ko na lang.
Lumabas na ako ng banyo, nakatalikod si Dominic sa pinto kaya hindi niya pa ako nakita, tapos napatingin ako sa make up artist na ngayon ngiting ngiti habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Oh, see. Beautiful super. " anang make up artist. Napaharap agad si Dominic sa akin at pinagmasdan din ako mula ulo hanggang paa. Napayuko pa ako. Geeezz, feeling ko parang matutunaw ako.
"Oh, anong say mo Pogi? Ganda ng jowa mo. Grabe, I can't wait to see people amaze to see you Ianah. " excited na sabi ng bakla.
"Salamat sa'yo. " ngiti ko na lang na sabi dito. Lumapit naman si Dominic sa akin.
Pinagmasdan niya ang katawan ko. Namula ata ako. Ano ba kasing ginagawa niya? Bakit ba katawan ko ang pinagmamasdan nito?
"A-ahmm. L-lets go? " tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at tumango.
*----*****----*****----*
"Good evening ladies and gentlemen." duet na sabi ng mga emceeng babae at lalaki. Nasa likod kami ng stage hawak ko ang kamay ni Dominic habang inaantay ang pagtawag sa pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Night With A Stranger (COMPLETED)
RomanceCOntain SPG Nasaktan ako dahil kinalimutan na ako ng Boyfriend kong naging isang sikat na artista. Nagpakalasing at nagpakatanga. at may nangyaring di inaasahan... I'm sleeping with a stranger.. at nanakaw nito ang BATAAN ko.... At sa kamalas malasa...