Chapter 41

12.4K 218 2
                                    


LIANAH'S POV

"Lianah. " napangiti ako ng pumasok sina Janielle at Inah.

"Kamusta na pakiramdam mo? " tanong ni Inah.

"Okay naman. " kakatapos lang kasi ng raspa, sabi kasi ni Tito 'yong doctor na nag-aasikaso sa akin na kapatid ni Daddy, na kailangan daw linisin ang loob ko para hindi ito umepekto sa katawan ko.

Hanggang ngayon naiinis ako lalo na kapag naiisip kong pinatay ng walang hiyang Elaine na 'yon ang baby ko, ang baby namin ni Prof.

Napatingin kami sa pinto ng bumukas ito, pumasok si Prof kasama nina Marco at Kit kasama ni Mrs. Galvez at Mama J.

"Kamusta ka na Ianah? " tanong ni Mrs. Galvez, napayuko ako, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, hindi man nasira ang party pero binigyan ko naman sila ng problema.

Kasi pwedeng masira ang image ng company kapag nalaman ito ng press.

"Ianah, masama ba pakiramdam mo? " tanong naman ni Mama J. Hindi ko na napigilang maiyak.

"Mrs. Galvez, so...sorry po. Mama J sorry.. Hindi ko naman po alam na buntis ako. Maniwala po kayo." aniko.

"Sshh, Ianah, don't cry. It's okay. Inexplain na ni Dominic ang lahat. Don't worry, you're still my biggest model. " anang Mrs. Galvez.

"Ang mga press po? Alam po ba nila? " tanong ko.

Diba star-studded ang party and may mga press, paano kapag nalaman nila? Or paniguradong alam nila imposibleng walang nakakaalam na iba malibang sa amin.

"Don't worry about it. Ginawa namin ang lahat huwag lang ito makalabas sa press." anang Mama J.

Napatango na lang ako.

"Ianah, sinampahan ng kaso si Elaine. Your Dad want her to pay for it. " anang Mama J.

Nagulat ako. Si Dad, ginawa niya 'yon. But what's the exchange for this?

"Magpahinga at magpalakas ka." anang Mama J.

Tumango naman ako.

"We have to go. May pupuntahan pa kami." paalam ni Mrs. Galvez.

"Salamat po. Ingat po. " aniko. Lumabas na rin sila.

"Lianah, anong iniisip mo? " usisa ni Inah.

"W-wala. " ang totoo iniisip ko si Daddy. If he do it there's a reason.

Napatingin ako kay Prof nang naupo ito sa tabi ko.

"Why you don't tell me? Bakit nga pala nilihim niyo? Damn, I was so damn stupid na sarili ko hindi ko alam na buntis ako. " aniko.

"Lianah let's talk this another time not now, magpahinga ka muna. " mahinahon niyang sabi.

"Urrrggg, hindi ko lang maiwasan. "

"Lianah, magpahinga ka, okey. Huwag munang mag-isip ng kung anu-ano. " anang Janielle.

Natahimik na lang ako. Sumandal sa balikat ni Prof.

Ilang sandali bumukas na naman ang pinto, si Mommy ang pumasok. Napangiti naman ako.

"Hi, Tita. " bati nila.

"Hello. " ngiting sagot naman ni Mommy.

"Lianah, anak kamusta pakiramdam mo? The doctor said you need to rest for a week. " napabuntong hinga naman ako. A week? It is a long time.

"You need to follow it. " bulong ni Dominic.

"Yeah, I know. No choice naman ako. Ok. Mom. Wait.. Ma, do you know why Daddy do that such things? " kunot noo si Mommy.

Night With A Stranger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon