Chapter 11

15.3K 297 3
                                    


LIANAH'S POV

Sh*t ang sakit ng ulo ko. Gumalaw ako at dahan dahang bumango na nakapikit pa rin. Hinimas ko sentido ko.

Hangover. ..

Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko.

Minulat ko mata ko, as usual si Prof na naman katabi ko. Hindi na ako na gulat.

Nilingon ko yong orasan alas 8 na ng umaga. Tumayo ako at tinungo ang banyo.

Nagbabad muna ako sa tub. Geeezz, sobrang sakit talaga ng ulo ko. Parang mabibiyak.

Halos isang oras din akong nagbabad. Buti hindi na naman ako sinamantalahan ni Prof. Nakauniform pa kasi ako paggising ko. At walang masakit sa maselang bahagi ng sexy kong body.

Lumabas na ako ng banyo na nakasuot ng robe. Nadatnan ko si Prof na tulog pa rin.

Pansin ko lang huh, ang tanghali niya lagi. Tulog mantika. Psh.

9:32 am na. May klase ngayon pero ayokong pumasok. Naupo ako sa gilid ng kama at nilibot ang paningin sa kabuuhan ng kwarto ni Prof. Papayag kaya si Prof na dito ako titira??

Shockss mukhang hindi pwede kasi babalik ako sa pagmomodel, kung titira ako kasama ni Prof masisira figure ko at baka mabuntis ako. Kyaaaaah. Gusto kong magsisigaw pero I bit my lower lips para hindi sumigaw...

hindi pa pwede. Kailangan ko munang tapusin pag-aaral ko. Kailangan ko munang patunayan kay Daddy na kaya kong magtagumpay sa kursong kinuha ko.

O.o

Sh*t speaking of Daddy. WTF ang mga gamit ko sa condo. Kailangan kong makuha before 10.

Napatingin ako sa side table ni Prof. Nakita kong nandoon ang susi ng kotse niya.

Napangiti ako. Kyaaaah. I have a brilliant idea. I run on Profs walk in closet, naghanap ako ng pwedeng suutin. At after non I pick the key and run out. Thanks talaga kay Prof. (^•^)

*--**--***--**--*

Sh*t muntik na akong mabunggo. Nagmadali kasi ako sa pagmamaneho pabalik sa unit ni Prof.

Buti na natapakan ko ang preno. Nagmadali akong bumaba. Agad kong tiningnan ang harap ng kotse. I feel relief. Buti na lang di na gasgasan. Kung hindi patay ako kay Prof.

"Miss. Are you okay?? " napatayo ako ng may humawak sa balikat ko.

Tumango ako. Nilibot ko ang paningin sa paligid walang tao kaming dalawa lang at ang magkaharap naming kotse.

"S-sorry po. H-hindi ko po gustong mangyari to. " nakayuko kong sabi.

"No, it's okay. Mukhang nagmamadali ka. "-siya

Nag-angat ako ng ulo at matamam na tiningnan ang kausap. What the... Ang gwapo....

Ngumiti siya sh*t nakakatunaw ng pagkatao. Ayieeehh. Kinikilig ako.

"Miss. Are you really alright? " pag-alalang tanong niya.

Ngumiti ako at tumango. Shocks, nakakahiya nakatulala ako sa harap niya.

Nag iwas ako ng tingin. Parang gusto ko siyang yakapin. Ang gwapo kasi. Ahihihi.

Narinig kong may nagring. Pansin kong hinugot niya yong Cellphone niya sa bulsa niya.

"Excuse me. Miss. Huwag ka munang umalis. " tapos naglakad siya ng medyo malayo at may kinakausap.

Hinagod ko ng tingin ang kabuuhan niya. Sa tanstiya ko nasa mid 20's siya. Matangkad, ang kisig ng tayo at ang ganda ng katawan. Oh my, pinagpapantasyahan ko siya.

Nakatulala akong nakatingin sa kanya.

"Miss. " natauhan ako. Gulat ng makitang nasa harap ko na pala siya. Pinamulahan ata ako ng mukha. Sh*t nakakahiya.

Yumuko ako para itago ang mukha.

"By the way, I am Lef Gin Monteclaro. " nakita kong nakalahad ang kamay niya sa harap ko. Inangat ko mukha ko at tiningnan siya nakangiti na naman siya.

Alinlangan kong inabot kamay niya.

"I'm Lianah Triviano. " ngumiti din ako kahit nahihiya pa din.

"Oh, beautiful name bagay sa'yo. Are you a student?" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ahh, o-opo. " alinlangan kong sagot.

"Ohh, sorry hija. " Damn. He call me hija. Nakakainis. Okay na yong miss. Psh.

"I need to go. Ingat ka sa biyahe. Huwag ka ng magmadali. Masyadong delikado para sa isang batang tulad mo. " tapos sumakay na siya sa kotse niya. Kumaway muna siya bago pinaandar ang kotse.

Woaah that was close. Ang gwapo ng 'mamang" yong. Ehh tinawag niya akong hija ehh. >__< nakakaluka. Dilekado daq para sa batang tulad ko? Psh. Hindi naman halata sa katawan huh. Lukong lukong yon.

DOMINIC'S POV

Kanina pa ako palakad lakad sa sala ko. Fvck. That Childish stubborn, ninakaw yong kotse ko. Nakakainis.

Ng magising ako kanina wala na siya. Amoy ko yong sabon at shampoo sa loob ng banyo sign na naligo siya at yong bath tub ko basa. After kong maligo pagpasok ko ng closet ko gulong gulo yong isang closet ko. Naghanap ng masusuot. Kaya inintindi ko na lang pero ng ready na akong umalis hinagilap ko yong Susi ng kotse ko kahit saan di ko makita kaya alam ko nang kinuha ito ng babaeng yon.

Ang sakit niya sa ulo.

Narinig kong bumukas ang pinto. Nilingon ko siya, dahan dahan pa 'to sa pagpasok pero parang natulos sa kinatatayuan ng makita ako.

Madilim ang anyong nilapitan ko siya. Sobrang galit ako ngayon gusto ko siyang suntukin. Pero hindi pwede babae siya.

"SAAN KA GALING?? At bakit ninakaw mo yong kotse ko? At bakit di mo sinasagot ang tawag ko?" sunod sunod kong tanong.

Mukhang natakot pero agad naman kumunot ang noo.

"Parang hiniram ko lang ehh. " singhal niya at pumasok na ng tuluyan sa loob at naupo sa couch. Abat parang wala lang sa kanya.

Sumunod ako sa kanya.

"Alam mo namang may pupuntahan ako. At importante yon. Bakit mo ginamit ang kotse ko. " galit ko pa ring sabi.

"Tss. Grabe. Oh ito susi mo *bato ng susi sa akin* hiniram lang kung makareact parang ninakaw ko. Ahh wait.. Sinabi mo kanina ninakaw ko.. (O.o) *tayo* hoy Prof. Hindi ako magnanakaw. Isaksak mo sa baga mo yang kotse mo. " sabi niya sabay walk out ahh hindi walk in sa kwarto.

Teka nga kwarto? Kwarto ko yon.

Sinunod ko siya.

"BAKIT? " pasigaw niya.

Inirapan ko siya at inis na hinila patayo at tinulak palabas ng kwarto ko. Kahit nagsisigaw siya di ko siya pinansin.

"Prof can you please stop. Prof." pagsisigaw niya.

Bigla siyang naupo kaya naman di ko siya maitulak.

"Prof. Wait. Sorry.. Hiniram ko lang naman yong kotse mo. At binalik ko na naman huh. " nakanguso niyang paliwanag.

Inis ko siyang hinila patayo. Nagpumiglas siya.

"Okay fine Prof. Aalis na ako. Sorry sa pang-IISTORBO at sa SAKIT SA ULONG binigay ko. At sa.la.mat sa pag.pa.pa.hi.ram ng kot.se MO. " nanliliit na matang sabi niya, emphasizing some words. Nandadabog siyang naglakad papuntang pinto.

"And hindi mo na ako makikita. Teka *tingin sa taas tapos tingin sa akin* oh well teacher kita kaya magkikita naman tayo so I will rephrase it, ahmm. Ganito na lang. I will not disturb you and ruin your life AGAIN. " sabi niya bago binagsak pasara ang pinto.

God, that girl so terrified. Sira ulong Childish stubborn.

Bakit ko pa kaya siya nakilala?? 

Night With A Stranger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon