Chapter 62

8.9K 162 1
                                    

LIANAH'S POV

"Lia, labas na hinihintay ka na nila. " anang Janielle.

"Oo andiyan na. " inayos ko muna ang clutch ko tapos lumabas na.

"Kiyaaah. Super ganda mo talaga Lianah. " tili ni Janielle.

"Tsss. Kayo din naman ahh. " aniko sa kanila ni Inah. Hindi naman ganon ka bongga ang gown ko, kulay purple ito na mermaid style ang ibaba na tube ang taas, si Inah nakablue gown na empire style ang baba at kay Janielle column style na kulay puti. We are all pretty, isasali ko na lang din sarili ko para fair. Buti na lang nasolusyunan ko ang mga sugat at pasa sa mukha ko, salamat talaga dahil may cream for that.

Eto na 'yong party para sa pagkapanalo ko sa competition at gusto nilang special at long gown pa ang suot.

"Let's go. " ani Inah. Bumaba na rin kami. Nandito kasi kami sa taas ng bahay namin dito na lang din ako sa bahay nag-ayos ako na mismo ang gumawa.

"Anak. " tawag ni Mommy.

"Helo po Tita. " bati nina Inah at Janielle. Ngumiti naman si Mommy sa kanila.

"Honey ayaw mo bang isama ang mga body guards mo? " anang Mommy.

"Mom please I want to be free. " sabat ko naman.

"Pero anak yo--"

"Please Mom. " pagputol ko sa sinasabi niya. Napabuntong hinga siya.

"Okay. Mag-ingat ka huh, if any thing happen or problem call me. " anang Mommy. Tumango naman ako at nagpaalam na kami.

Pagdating namin dito sa school halos andami nang estudyante, naggagandahan at nagpapabonggahan. Kinalabit ako ni Janielle.

"Mas maganda ka sa kanila. " aniya, napailing nalang ako. Bumaba kami ng kotse at tinahak ang entrance ng gymnasium namin dahil don nila plinanong magparty dahil sa lawak at laki ng capacity nitong maka accommodate ng mga studyanteng aattend, faculty, staff at mga bisita.

Pagkapasok namin sobrang ganda ng decoration at talagang may nag organise at ginastusan.

Napatigil ako sa paglalakad ng may narinig akong pangalang Ianah.

"Talaga? Pupunta dito si Ianah Mendez? " dinig kong sabi ng isang estudyante. Napatigil din sina Inah at Janielle.

"Hala magpapakilala ka? "tanong ni Janielle. Hindi ako umimik pinakinggan ko lang ang usapan ng mga estudyante.

"Oo noh, she's will be here at take note kasama ang ilan pang model. Naku excited na nga ako. " anang isa.

"At isa pa si Uno invited din daw. Geeez, naalala ko minsan nang nag-away sila ni Prof Dominic at lately nainvolved kay Elaine but still crush and idol ko pa rin siya. "anang isa.

"Hala di ka nainform huh. " ani Inah. Napailing na lang ako, ito ba ang surprise nila? Tsk.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Tinuro ng ilang staff ang magiging mesa namin. At talagang sa harap pa talaga ng stage kami pinapwesto kasama namin sa mesa ang ilang faculty. Wow huh special talaga pero di ako natutuwa lalo pa nasa iisang mesa kami ni Prof Dominic. Wala pa siya dito pero may pangalan niya ang upuan.

"Gusto mo bang lumipat na lang tayo ng mesa? " napatingin ako kay Inah, nahalata niya siguro na hindi ako mapakali.

"No it's okay. " pakli ko lang.

Night With A Stranger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon