LIANAH'S POV
Halos takbuhin na namin nina Ina at Janielle ang hallway ng school dahil sobrang late na kami.
Itong dalawa ako pa itong sinisisi. Aist, bakit ba kasi hinintay nila ako, pwede namang mauna na sila.
"Lianah, dalian mo. " singhal ni Janielle. Napairap na lang ako. Kapag nalaman ng dear ko na tumatakbo ako patay ako don, masasabon na naman ako.
Nagulat ako ng may biglang humila sa akin. Hindi ko inaasahang makikita ko si Uno dito sa ganitong oras.
Itinulak ko siya palayo sa akin.
"Lianah, ano ba. " anang Janielle, gulat din ito ng mapatingin sa kaharap ko.
"Hoy, hoy, anong ginagawa mo dito? " sita niya. Hinawakan niya ako sa kamay para hilahin na sana ngunit pinigilan ito ni Uno.
"I just wanted to talk to her. " seryosong sabi nito, napatingin si Janielle sa akin. Bumalik din si Inah.
"No, hindi pwede. " singhal ni Inah. Buti na lang talaga walang masyadong tao at nasa harap pa kami ng storage room.
"Let's go Lianah. " anang Janielle at inalis ang kamay ni Uno.
"Lianah please talk to me. " napatitig ako sa kanya. Staring him was wrong move kasi naaawa ako sa kanya na hindi dapat dahil masyadong nasaktan niya ako noon pero hindi naman maling magpatawad diba.
Tiningnan ko si Janielle. Umiling-iling pa ito.
"Mauna na kayo. " sabi ko.
"Lianah may klase tayo. Hahanapin ka ni Prof. " sabat pa ni Janielle.
"I'll explain to him later. " mahinahon kong sabi.
"Pero.. "
"Sige na. Please. " Wala silang nagawa kaya naman tumalima na sila.
Hindi ako makikipag-usap at patawarin siya kung hihingi man siya ng tulong. Oo handa akong magpatawad pero may kapatawaran ba ang ginawa nila sa akin?
Naalala ko ang mga panahong sinaktan nila ako ni Elaine.
Ang gabing mas pinili niyang hiwalayan ako.
"Uno, sa totoo lang wala na tayong dapat pag-usapan. " sabi ko ng makaalis ang dalawa.
"Lianah, sorry for everything." napasmirk ako.
"Bakit? Narealize mong mas may pakinabang akong girlfriend kaysa kay Elaine? " tanong ko.
"No, Lianah. Hindi yan. "
"Eh ano? Oh wait.. Gusto mo akong makausap para iatras ang kaso namin laban kay Elaine?"
"Sana pero... I realize that she need to learn from her mistake. "
"Tsss. Not learn. Ang dapat mong sabihin 'she need to pay for everything she did to me. '" aniko.
"Hindi kita pipigilan sa gusto mong mangyari kay Elaine. "
Napatitig ako kay Uno.
"So, ano palang pinunta mo? "
"Lia, I need your forgiveness."
Forgiveness? How stupid. Ganyan ba mga tao? Gagawa ng kasalanan tapos hihingi din ng tawad.
"Huwag kang magpatawa. Hindi ko kayo mapapatawad. " seryoso kong sabi.
"Sige na, mauuna na ako. " iwas kong sabi pero pinigil na naman niya ako.
BINABASA MO ANG
Night With A Stranger (COMPLETED)
RomanceCOntain SPG Nasaktan ako dahil kinalimutan na ako ng Boyfriend kong naging isang sikat na artista. Nagpakalasing at nagpakatanga. at may nangyaring di inaasahan... I'm sleeping with a stranger.. at nanakaw nito ang BATAAN ko.... At sa kamalas malasa...