DOMINIC'S POV
"Bro. So, in relationship na talaga kayo? " anang Marco.
Paulit-ulit talaga ang dalawa 'to. Nakwento ko na nga sa kanila hindi pa naniniwala. Tapos kapag hindi ka magkukwento gagawa ng kwento na paniniwalaan. Urrg, mga sira ulo.
(FLASHBACK)
Bumibyahe na ako papunta sa pagmemeetingan namin ng isang importanteng client ni Lolo, ako 'tong inutusan niyang makipag-usap para daw makilala ko ang taong 'yon.
Napabuntong hinga ako.
Hindi ako mapakali. May importante ding party ang magaganap mamaya sa bahay ko para sa importanteng tao kaya lang ito ako may meeting.
Kahit gusto ko mang ipacancel itong meeting wala naman akong karapatan, hindi ko pwedeng suwayin si Lolo.
Ngayon pa talaga nagkaganito kung kailan special na araw to para kay Lianah tapos wala pa ako.
Ilang minuto pa nakarating na rin ako sa hotel na pagmemeetingan namin.
Nagkakilala na rin kami ng importanteng client, nagdinner habang nagkukwentuhan.
After naman ng kainan, nagsimula na ang meeting. Habang nag-uusap kami hindi ako mapakali, gusto ko nang matapos 'to para makauwi na ako.
"Well, your proposal was very good. So, I don't think there's a reason to ignore this. " anang Mr. na lihim kong pinagdiwang. This is it. Ito na yong desisyon niya.
"Mr. Herbera, Congratulation, I'm going into it. I will schedule for our next meeting for contract signing. Mukhang may lalakarin ka pa, kanina pa kasi kita napapansin na hindi ka mapakali. " ngiti na lang akong napayuko. Ganon pala ako ka obvious.
"I'm so sorry Don. But super thank you for this. Hindi ka po magsisisi. You made a right decision." aniko. Tumayo kaming dalawa at nagkamustahan uli.
Agad akong lumabas ng hotel pagkatapos ng meeting. Hahabol ako sa party.
Pasakay na ako ng kotse ng magvibrate 'yong phone kong nasa bulsa ko.
Sinagot ko agad ito ng makitang si Kit ang tumatawag.
(Bro. Thanks finally you answer it. )
Kinabahan naman ako sa tono ng boses nito. Baka ano nang nangyari kay Lianah. Sh*t hindi pwede.
"What happened? Is she alright?" taranta kong tanong. I heard him chuckled.
"Bro. Anong nangyari? " medyo inis kong tanong uli.
(Bro. Chill. Wala namang nangyaring masama. I just want to say uwi ka na dito kasi sobrang lungkot na ng ASAWA mo, hinahanap ka kahit ayaw niyang aminin halata naman. )
Napasinghap ako. Akala ko na kung anong masamang nangyari.
"I'm on the way. Don't tell them. I want to surprise her. " binaba ko na ang phone at pumasok na sa kotse ko.
Napailing pa ako ng maalala ang sinabi ni Kit. In-emphasize pa nito ang salitang ASAWA. Tsk, it's nice to hear.
Well, excited akong umuwi na para sa kanya. Debut niya, and nakaplano na talaga itong gabing 'to, itong party para sa kanya. Pumayag nga akong makipagsabwatan sa mga kaibigan niya pero hindi ko in-expect itong meeting biglaan din lang. But it's good, naclose ko ang deal tapos ito makakahabol ako sa party.
BINABASA MO ANG
Night With A Stranger (COMPLETED)
RomansaCOntain SPG Nasaktan ako dahil kinalimutan na ako ng Boyfriend kong naging isang sikat na artista. Nagpakalasing at nagpakatanga. at may nangyaring di inaasahan... I'm sleeping with a stranger.. at nanakaw nito ang BATAAN ko.... At sa kamalas malasa...