Chapter 52

8.8K 167 3
                                    


LIANAH'S POV


"Hello, Mama J napatawag ka. "

(Ianah my dear, Mrs. Galvez wanted you to have a photoshoot after ng competition, at dahil andiyan na kayo napag-isipan niyang diyan na lang gagawin ang photoshoot. Ano okay ba? )

"Yes sure. " ngiting sagot ko.

(So, see you soon. ) anang Mama J, nagpaalam na rin siya.

"Anong sabi ni Mama J? " agad na tanong ni Janielle.

Napabuntong hinga ako.

"Oh bakit? " tanong ni Ina.

"Wala. After ng competition may photoshoot daw tayo dito. " sabi ko.

Napatili naman si Janielle, si Ina naman ngising-ngisi.

"I am so excited.." anang Janielle.

"Wow, nice. " anang Kit, kararating lang nila, naupo sila sa tabi namin. Ang dalawa namang kapatid ni Dominic nakasunod.

"Wait... Wait... I heard right? May photoshoot po kayo Ate? ".paninigurong tanong ni Gretchen.

"Yeah, sama kayo? "-Janielle. Nagkatinginan ang magkapatid at biglang sumigaw sa saya.

"Of course.. Sasama kami. " anang Heilanie.

"Ate.. " biglang pumagitna si Gretchen sa amin ni Dominic.

"Can you help me? Ahmmm. Kasi..kasi... " nagpapacute na sabi ni Gretchen.

"Bro, ang kapatid mo paniguradong may kailangan 'yan. " anang Kit, tiningnan siya ni Gretchen ng masakit.

"Oh bakit? Totoo naman. " sabat pa niya.

Nakangusong tumingin si Gretchen sa akin.

Niyakap niya ako, napatingin ako kay Dominic.

Ang kulit din ng isang 'to. Mas matanda ako ng dalawang buwan sa kanya pero mukhang batang elementary level kung umasta.

"Lumayo ka nga. " anang Dominic.

Napairap si Gretchen at lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"I wanted to be a model too. " napatingin ako kina Janielle.

"Tsss. Gretchen please. " anang Heilanie.

"What?" singhal ni Gretchen.

"Naku ate huwag na. Panira lang 'yan ng camera." anang Heilanie.

"Naman, Kuya si Heilanie ohh. " ngusong reklamo ni Gretchen.

"Tumigil na nga kayong dalawa. " singhal ni Dominic.

"Talagang gusto mong magmodel huh. Kaya mo bang magpost? " anang Marco.

"Duhh, I can. Excuse me. Ate Janielle can you please zip his mouth? " anang Gretchen.

"Don't worry I'll do. " anang Janielle tapos tinakpan naman nito ang bunganga ni Marco.

"Gretchen, huwag mo nang pangarapon pa iyan. " anang Dominic na lalong kinatulis ng nguso nito.

"Hayaan mo na sila. " aniko. Napatingin sila sa akin. Ngumiti ako at tumango.

Hindi naman mahirap ang hinihingi niya, at isa pa magaganda din naman sila so, I assure that Mrs. Galvez would be glad to be part of the company.

"I can help them. " aniko. Bigla namang tumili si Gretchen at lalong hinigpitan ang pagkakayakap.

"Thank you ate. "anang Gretchen.

Night With A Stranger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon