LIANAH'S POV
Kanina grabe ang kaba ko ng akma nang isasaboy ni Elaine sa akin ang laman ng bote. Buti na lang dumating sila, silang lahat, sina Ina at Janielle, sina Mama J at Mrs. Galvez, at ang mga staff at sina Marco, Kit, Lif at si Prof.
Masaya ako kasi marami ang nandoon para mag-alala sa akin at sina Lif at Prof talagang namagitan sa away namin ni Elaine, hindi nila hinayaang magkaabutan kami ng babaeng 'yon.
"Aist. Mga bata talaga. Love love love ang pinag-aawayan. " anang Mrs. Galvez.
"Ito naman si Mrs. Galvez, dumaan ka din naman diyan. " anang Mama J.
Ngumiti si Mrs. Galvez.
"Oo na. Teka Ianah sinaktan ka ba ng bruhang 'yon? "
"Hindi naman po, naitulak niya lang po ako. Puwet ko lang po ang masakit feeling ko nga kailangan kong magparetoke parang tabingi na po 'to. " sabi ko na may halong biro.
"*laugh* sana sinabi mo kanina yan best sa harap ng babaeng 'yon. Para naman malaman niyang hindi na niya sekreto 'yon. " ani Janielle.
"Ikaw talagang bata ka. *smile* kaya kita gusto ehh kaysa sa bruhang 'yon. " anang Mrs. Galvez. Lihim akong napangiti.
"Sige na girls magready na kayo magrerehearse pa tayo. " anang Mama J at lumabas na sila ni Mrs. Galvez.
"Sh*t sana Lia sinampal mo ng 15 million times." anang Ina, na gigil na gigil.
"Not only that ang dapat ingudngud sa pader ang nguso. " anang Janielle naman.
Napabuntong hinga na lang ako.
May kumatok nang lingunin namin pumasok sina Lif, Marco, Kit at si Prof. Napatigil tingin ko kay Prof. Sh*t na puso makatibok naman nakakabingi.
"Lianah, kamusta? " si Marco. Bigla kong iniwas tingin ko ng mapansing nakatingin din si Prof sa akin.
"Fine. " tipid kong sagot.
"Buti na lang talaga nagawa mong tawagan si Lif. " ani Janielle.
Napatingin ako kay Lif. Siya pala nadial ko. Buti na lang naisipan kong magspeed dial.
"Thanks. " ngiti kong pasalamat dito.
"Okay ka na? " ani Lif pa, lumapit siya sa akin.
"y-yeah I'm fine. " awkward kong sagot. Ang awkward kasi ng feeling, talagang lumapit siya at hinawakan pisngi ko. Pinilit kong ilayo ito. Nahagip ng tingin ko si Prof. Sh*t ang talim ng tingin.
Nagseselos kaya siya?
Urrgh, ang puso ko. Naman ohh, makatibok naman.
"*ehemm* Bro. Diba kakausapin mo si Lianah? " biglang sabi ni Kit. Tiningnan ko siya at pinanlakihan ng mata.
"Ai Oo tama. Tayo na Janielle, Lif, Marco." sabat naman ni Ina at hinila si Janielle.
"T-teka.---"
Napakagat ako sa ibabang labi ko, kinabahan ako sa ginagawa nila. Pipigilan ko pa sana sila pero wala ehh bigla na lang sila nawala agad agad.
Napabuntong hinga na lang ako at nilingon si Prof. Geeezz ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.
Puso tumigil ka. Dudukutin kita kapag hindi ka tumahimik.
"Tsss. Mga kaibigan mo nag-iimbento ng kwento. " inis kong sabi para naman mawala itong tibok. Nakakaluka na ehh.
BINABASA MO ANG
Night With A Stranger (COMPLETED)
RomanceCOntain SPG Nasaktan ako dahil kinalimutan na ako ng Boyfriend kong naging isang sikat na artista. Nagpakalasing at nagpakatanga. at may nangyaring di inaasahan... I'm sleeping with a stranger.. at nanakaw nito ang BATAAN ko.... At sa kamalas malasa...