LIANAH'S POVNapangiti ako habang haplos haplos ko ang tiyan kong nakaumbok na. Malapit na rin matatapos itong hotel resort na pinapatayo namin ni Daddy kunting kunti na lang ang hihintayin.
Apat na buwan na pala ang lumipas at hindi nga ako nagkamali nabuntis nga ako ng hindi ko alam kung sino ang ama nito. Si Daddy nang malaman sobra siyang nagalit pero tinanggap na rin niya kami ng nasasinampupunan ko. Sina Mommy at Ate super supportive at maalaga sa akin, kahit daw wala itong ama tatanggapin nila ng buo at taos puso at pinangaralan pa nila ako kaya sobrang nagpapasalamat ako.
Pasalamat din ako kahit papano okay ang magiging buhay naming mag-ina kahit wala siyang ama. Ang pamilya ko palang ang nakakaalam nitong pagbubuntis ko, hindi pa alam nina Inah at Janielle, busy din naman kasi kami sa kanya-kanyang negosyo kaya hindi pa kami nagkikita ngayong malaki na ang umbok nitong tiyan ko.
"Lia, let's go maaabutan tayo ng traffic. " ani Ate. Agad na din akong pumasok sa kotse niya, simula ng pagconstruct nitong hotel ko nandito na kami nila Mommy halos tumira, miminsan lang kami nauuwi sa bahay, gusto ko kasing makita ang bawat pagbuo nitong resort ko, itong hotel mini lang siya pero may 30 rooms at 7 floors ito at bawat kwarto nito comfortable din naman ang size, plano ito ni Daddy, si Daddy din nagplano ng magiging activities and ilang mapag-aabalahan ng magiging guest namin sa resort, ako naman sa design at magiging outlook nito.
Excited na nga ako na matapos na ito para naman pamamahalaan ko na ito.
"Sasamahan mo akong maggrocery huh " anang Ate kaya napaOo naman ako.
Pagdating ng super market, dumiretso na kami sa groceries at namili ng mga bibilhin, nawiwili ako sa pagtingin tingin ng daipers ng baby, napangiti pa ako ng maimagine na nagpapasuot ako nito sa baby ko.
Napahaplos ako sa tiyan ko. Malapit na rin siya lumabas at sobrang excited ako.
Tinulak ko na ang cart at tinungo si Ate pero nagulat ako ng makasalubong ko si Dominic, may cart din itong tulak, gulat siya ng makita ako lalo pa ng mapatingin siya sa tiyan ko.
Alinlangan akong ngumiti.
"Hi. " aniko.
Bumati din siya pero panay tingin niya sa tiyan ko. Siguro iniisip nitong nag-asawa na ako. Mabuti na iyon para naman wala nang hard feelings sa aming dalawa kapag nagkasama kami sa mga gatherings at isa pa tinanggap ko na talaga na hindi magiging kami at pinagtuunan ko nalang ng pansin ang baby kong nasa tiyan ko.
"Sige. " pagkuway sabi ko tulak ang cart at kunwari nagtitingin ng mga bibilhin tapos ilalagay sa cart kahit hindi naman ito kailangan.
"Sis, nagkita ba kayo ni Dominic? " salubong ni Ate sa akin. Napatango naman ako.
"Nakita niyang buntis ka? "
Napatango na naman ako.
"Geez, paano yan? sasabihin niya kina Inah at sa iba pa ang nakita. Ano na lang sasabihin mo? Na nadisgrasya ka? na hindi mo kilala ang ama niyan? "
Napairap ako.
"Please Ate tumigil ka sa kakasalita. Bahala na kung anong lalabas sa bibig kong dahilan. Basta.. tayo na." sagot ko at hinila na siya papuntang counter.
Nakita kong nasa counter din si Dominic, aatras pa sana ako pero may nakasunod na sa amin ni Ate at nagsiksikan na din.
"Hayaan mo na. " bulong ni Ate. Paano ba naman katabing counter lang namin siya nakapila.
Tapos napatingin siya sa amin, kunting smile lang tapos iwas na agad ako.
Napahinga ako ng maluwag nang matapos nang ipunch ang aming babayaran at agad naman binayaran ni Ate ito.
BINABASA MO ANG
Night With A Stranger (COMPLETED)
RomanceCOntain SPG Nasaktan ako dahil kinalimutan na ako ng Boyfriend kong naging isang sikat na artista. Nagpakalasing at nagpakatanga. at may nangyaring di inaasahan... I'm sleeping with a stranger.. at nanakaw nito ang BATAAN ko.... At sa kamalas malasa...