LIANAH'S POVKakatapos lang nang ramp namin at ayon nga pinakilala kami tapos pinakita pa ang mga photos namin na cover ng magazines at ilang photos na talagang nakabalandra sa labas ng company ng clothing line na pinamomodelan namin at picture namin sa mga photo shoot.
Halos lahat mangha at tuwang-tuwa dahil daw andito lang sa school ang ilan sa idolo nilang model.
Nagkita na naman kami ng mga kasamahan naming ramp model at sa mga photo shoot. Tuwang-tuwa sila nina Inah at Janielle na nagkamustahan at kwentuhan sa mga ito, ako pinipilit lang ngumiti dahil hanggang ngayon nahihirapan pa rin ang loob ko.
Iniisip ko kung nagsawa ba siyang makinig ng pinagsasabi ko? Hindi na ba niya ako mahal? Or sadyang pinipili niyang magmanhid-manhidan?
"Lianah." napatingin ako sa tumatawag.
Lumapit ako ng kumaway siya, hindi ko siya kilala pero minsan nakikita ko siyang nag-aasikaso sa library.
May binulong siya sa tainga ko at pagkatapos non umalis na.
Lumapit naman ako kina Inah at Janielle at nagpaalam na lalabas ng gymnasium.
Tinungo ko ang sinasabi ng babae.
Hindi naman nakakatakot although madilim nga pero may ilang estudyanteng naglalakad at may ilang tumatambay sa paligid. May ilang bumabati din.
Tinungo ko ang field don daw sa dulong bench don daw may surprise. Walang tao sa paligid dahil karamihan nasa gymnasium at medyo malayo itong field.
Habang papalapit ako parang bumibigat ang paa ko parang ayaw nitong tumuloy ako sa pupuntahan. Pero I just ignore it lalo pa surprise ito ng mga faculty ng school, 'yon ang sabi sa akin ng babae.
Hindi naman ako kinakabahan pero ang bawat paghakbang ko lang talaga ang kontra.
Wala naman sigurong mangyayaring masama, anang utak ko.
Nakikita ko na ang kandilang nasa mesa at may baso pa at may bulaklak pa na nakapatong sa mesa katabi ng baso. Napangiti ako, hindi kaya pakana ito ni Dominic?
Geeeez, excited ako.
Lalo kong pinilit ang paghakbang.
Sobrang lapit ko na dinig ko ang sweet music, kinilig naman ako.
Tumigil ako ng maramdaman ang kakaibang kaba, kasi parang may mali. Ang bulaklak na nakapatong ay hindi kulay pula o puti o kahit anong makukulay na bulaklak.
"B-black." nginig kong sabi. Hindi ko lubos maisip kung bakit black at kung si Dominic man magbibigay nito malaking katanungan ko ay BAKIT?
May taong nalalakad papunta sa mesa ng matamaan ito ng ilaw natigilan ako.
"Hi, Ianah, nagustuhan mo ba ang prenipare ko?" aniyang nakangiti.
May kinuha siyang bote ng alak sa isang silya at binuhos ito sa dalawang baso.
"Come join me. Para sa'yo 'to. " ngiti niyang sabi.
Pinilit kong huwag magpakita ng kahit kunting takot bagkos ngumiti ako at naglakad palapit sa kanya.
Kailangan ko ding magready sa kung ano mang gagawin ng bruhang ito. Hindi ako magtitiwala sa kanya.
"Pasensiya ka na kung ganito kulay ng bulaklak kasi naman sira ulo ang bumili sabing red pero itim binili natakot ka tuloy. " mahinahon niyang sabi.
"Parang may lamay tuloy. " ani pa niya at humalakhak.
Huwag lang magkamali ang bruhang 'to na gumawa ng kabaliwan niya dahil ingungod-ngod ko talaga siya.
BINABASA MO ANG
Night With A Stranger (COMPLETED)
RomanceCOntain SPG Nasaktan ako dahil kinalimutan na ako ng Boyfriend kong naging isang sikat na artista. Nagpakalasing at nagpakatanga. at may nangyaring di inaasahan... I'm sleeping with a stranger.. at nanakaw nito ang BATAAN ko.... At sa kamalas malasa...