Chapter 69

9.8K 135 1
                                    


LIANAH'S POV

Nakaramdam ako ng gutom kaya naman gumalaw ako at dahan dahang umupo. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko kasabay panito ang hilo at sakit ng ulo ko tapos ang kaselanan ko kumikirot din.

Ano bang nangyayari sa akin? Pilit ko inalala ang nangyari pero wala akong maalala lalo lang sumasakit itong ulo ko.

Napamulat ako ng makaramdam ako ng   malamig na dumadampi sa likod ko at ang pakiramdam na hubad ang katawan ko.

Nanlaki mata ko ng makitang walang bra ako agad kong sinilip ang ilalim ng kumot, napanganga ako ng makitang hubo't hubad talaga ako.

Napatakip ako ng bunganga ng mapansing may lalaking natutulog sa tabi ko medyo malayo sa akin nakadapa at balot ang katawan ng kumot, dahan dahan kong inangat ang kumot na nasa paanan ko at tinakpan ang katawan ko.

Sino ang lalaking binigyan ko ng katawan ko?  Paano?  Paano nangyari at napunta ako dito?

Inalala ko ang kagabi, isang lalaki ang sinamahan ko.

"Oh my god. " bulong ko, umagos na ang luha ko.

"I.. I'm sleeping with a stranger again?" bulong ko pa.

Dahan dahan akong bumaba ng kama at mabilis na pumasok ng banyo para magbihis kahit umiiyak ako at nanlulumo dahil sa isiping nakipagsiping ako sa lalaking hindi ko kilala.

Nakakadiri ako. Nakakadiri.

Nagmadali akong lumabas ng banyo at agad na lumabas ng unit na iyon.

Nagpara ako ng taxi, habang nasa loob ako ng taxi panay hagolgol ko tapos pahid dito pahid doon ng panyo sa kamay, labi, pisngi.  Hindi ko lubos maisip na nakipaghalikan ako sa isang lalaking estranghero.

Nakakadiri, nakakadiri talaga. Halos magwawala na ako sa loob ng taxi hindi ko na pinansin ang driver kahit pa nag-aalala na ito.

Pagdating ko ng bahay naligo ako ng ilcng beses. Hindi ko iyon kilala,  hindi ko alam kung anong pangalan niya, hindi ko alam baka may sakit iyon at mahawa ako, damn nakakadiri talaga.

Pabagsak akong naupo sa harap ng salamin.

"Lianah,  night with a stranger. Nakakadiri ka. " umiiyak kong sigaw sa sarili ko.

Naalala ko si Dominic ang pinunta ko doon pero hindi ko siya nakita o nakausap at ang nakakabaliw pa naglasing ako at nakipagsiping sa hindi ko kilalang lalaki.

Inalala ko kung ilang ulit kaming nagsiping at hindi ko iyon naalala, Geeez, baka mabuntis ako, saan ko hahanapin ang lalaking iyon? Anong sasabihin ko kina Mommy at Daddy?  Anong sasabihin ko? Na nakipagsiping ako sa hindi ko kilala at dahil lasing ako?

Oh my, damn Lianah, damn. Ang tanga mo ang tanga tanga.

Napakuyom ko kamao ko, paano na ako?  paano na?  Si Dominic,  paano na? Ano nang mukhang ihaharap ko sa kanya? Nakakadiri na ako.

Inis akong nagsisigaw,  ilalabas ko na ang inis at galit ko.

*---****---*

Niyakap ko ng mahigpit sina Mommy, Daddy at Ate,  napaluha pa ako. Ang laki ng kasalanan ko sa kanila, sobrang laki.

"Sis, anong nangyari sa'yo? Namiss mo kami ng sobra?" ani Ate.

Hindi ko napigil ang sobrang pag-agos ng luha ko.

"Oo, sobrang namiss. Ako lang ang nandito for 1 month ang tagal niyo. " naiiyak kong pangatwiran.

"Tsk. kung kailan tumanda ka saka ka mag-eemote. " ani Ate, inirapan ko siya at pinahid at pinigil ang mga luha.

Night With A Stranger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon