LIANAH'S POV
Napatingin ako kina Dominic, sobrang kinakabahan ako ito na ang oras para malaman kung sino ang papasok sa final round. Hindi ako siguradong pasok sa panlasa ng mga judges ang ginawa ko pero sana naman masarapan sila.
Nakapasok na ako ng dalawang round, ang unang round na sea food ang ginamit tapos ang sumunod na beef ang ginamit na main ingredients at ito ang huling round na hindi ko alam kung pasok ba ako o hindi.
Napangiti ako ng ngumiti sila at nagchecheer.
"We are now going to choose the three contender for the final round of this cooking competition. Woaah this is a close battle. Everyone was really amazing and excellent in cooking. " anang Chef na host na rin ng competition.
Napapapikit ako na napapakagat labi, I feel really nervous this moment.
Sana makapasok ako dito sa final round. Sana, sana nga.
Unang tinawag ang mula sa Hongkong na isang second year culinary student, sobrang saya niya at ng mga kasama niya napakuyom ang kamao ko. May chance pa ba akong mapili? Damn sobrang kinakabahan ako. Parang hindi ko naibigay ang lahat parang gusto kong ibahin ang style ng pagluluto ko o ang ibang ingredients na ginamit ko, hindi ako sure sa ginawa ko pero huli na ang lahat tapos na ang round na iyon at ngayon ang final round na pero sobrang nauubusan na ako ng pag-asang mapili.
Anim na kalaban ko sobrang galing ano pang laban ko?
"The second was from Philippines." nakanganga akong napatitig sa host ng competition. Philippines?
Ako lang ang galing sa pilipinas, ako ba talaga ang tinawag? O mali lang narinig ko?
"Ms.Triviano from Philippines, please come here. " napakurap ako ng makitang nakatinging nakatingin sa akin ang host.
"Look like she can't believe it. " ani pa nito. Napatingin ako kina Dominic ng marinig ang sigaw ni Janielle at Gretchen. Tinuro nila ang gitna napatingin ako doon kung saan nakatayo ang taga Hongkong na unang tinawag na nakapasok.
Bigla akong nahiya ng marealize na naghihintay na sila sa paghakbang ko.
Naglakad na lang ako papunta sa gitna.
Geez, nakakahiya pero natutuwa ako na nakapasok ako sa final round. Hindi ko inaasahan ito, nawawalan na ako kanina ng pag-asa pero ngayon geez, para akong nasa ulap sa saya.
After ng huling tinawag pinapunta na kami sa kitchen namin. Kinakabahan ako lalo, this is the final round, I should do all my best kung gusto kong mapanalo ang competition na ito.
"The final round using the Pork as main ingredients." anang host.
Isa-isa kaming binigyan ng isang platong baboy.
Nag-isip naman ako ng lulutuin bago pa magsimula ang oras namin.
Nung magsimula na ang oras agad akong naghiwa ng mga ingredients, nagmarinate ako ng baboy, naglagay ng mantika sa kawali at marami pang iba.
Nagfocus ako sa pagluluto hindi muna ako nag-isip ng mga bagay-bagay.
LIF'S POV
Napapangiti ako habang pinagmasdan si Lianah, kahit anong sitwasyon, kahit anong damit ang ganda niya, she's really beautiful.
"Hindi ka ba natatakot na makita nila?" napatingin ako sa gilid ko, ito yong kapatid daw ni Lianah sa ama ang nung isang araw na kumausap sa akin sa isang restaurant.
BINABASA MO ANG
Night With A Stranger (COMPLETED)
RomanceCOntain SPG Nasaktan ako dahil kinalimutan na ako ng Boyfriend kong naging isang sikat na artista. Nagpakalasing at nagpakatanga. at may nangyaring di inaasahan... I'm sleeping with a stranger.. at nanakaw nito ang BATAAN ko.... At sa kamalas malasa...