Chapter 67

9.4K 147 2
                                    

LIANAH'S POV

"Congratsssss. " masayang sigaw ni Ate pagkababa ko pa lang ng stage matapos kong matanggap ang diploma at ilang awards ko.

Niyakap nila akong tatlo, si Mommy at Daddy. Simula ng maaksidente ako at dumating si Ate sa buhay namin malaki ang ipinagbago ni Daddy, he laugh and smile miminsan nalang magalit kapag may nagawa kami ni Ate na mali at kung minsan may problema sa company na si Ate na ang magmamahala sa susunod na buwan.

Habang nandito kami sa Italy trainaning ni Daddy si Ate para ipamahalaan ang company, inako ni Ate ito sa kahilingan ko at ni Daddy.

Nakilala ko din at nakabonding ang babaeng minahal ni Daddy bago ito ipakasal kay Mommy, ang ina ni Ate Maura. Nagkausap at nagkapatawaran na sila,  maayos na ang pamilya namin lagi pa kaming nagbobonding.

Si Elaine naman ang sabi ni Lif nahatulan na daw ito ng habang buhay na pagkakakulong, may ilang kaso pa kasing isinampa sa kanya ng anak ng kinalantaryo niya noo. Mabuti nga na mabulok na siya para naman wala nang kontrabida sa buhay ko.

Sina Inah at Janielle, hindu ko na alam kung anong nangyayari sa dalawang 'yon, hindi naman kasi close ni Lif ang dalawa kaya wala ding balitang nakukuha ito.

At si Dominic, sadyang hindi ko na inaalam ang nangyayari sa kanya para naman magulat na lang ako kung ano mang nangyari sa buhay niya pero sana hindi niya pinabayaan ang sarili niya na hindi siya naging pabaya dahil sobrang pagsisisihan ko ito.

"Congrats. " ngiting bati ni Lif,  inabot niya sa akin ang bulaklak.

"Salamat. " ngiti kong tinanggap ito. Si Lif, ang tanging nakakaalam kung asan kami, nangako naman siya na hindi niya sasabihin kahit kanino kung asan kami at nakakasiguro akong tutupad siya sa takot lang nito kay Ate.

Haha Oo tama kayo, sa loob ng tatlong taon na magkasama sina Ate at Lif nagkadevelopan na rin sila at wala namang problema kina Daddy lalo pa gusto naman siya ni Dad na ipakasal sa akin dati pero ngayon kay Ate na.

"Oh pano ba 'yan nakapagtapos ka na, ano nang plano mo? " anang Ate.

Ngumiti ako.

"Kakaakyat ko lang ng stage Ate plano na agad pwede bang enjoy muna sa pagiging fresh graduate? " sabat ko naman.

"Tama na muna iyan. Lianah tinatawag ka. " ani Daddy. Nagpaalam naman ako at nagtungo sa picture taking nang aming class.

Ang totoo lang nakaplano na ako, after a month I plan to go back in the Philippines.

I will go back and to see Dominic.

*---****---*

"Ilang buwan balak mong manatiling "fresh grad"?" tanong ni Ate, kumakain kami ngayon sa isang sikat na resto dito sa Italy to celebrate my graduation.

"Tsk. Huwag mo nga akong pakialaman." singhal ko.

"Ayaw mo bang bumalik nang pinas? " natigilan ako sa sinabi ni Ate. Napatingin ako sa kanya pero agad nag-iwas din.

"Hindi mo ba namimiss si Dominic?  Three years is enough, hanggang kailan mo ba pipigilan ang sarili mo? Siguro naman nagsawa ka na sa kakapigil ng pagkamiss mo sa kanya. "

"Maura. " saway ni Daddy.

"Lianah katangahan na yang ginagawa mo. " ani pa niya hindi niya pinansin si Daddy.

Naparolled eyes ako.

"Ate naman kailangan bang ipamukha talaga sa akin. " inis kong sabi tapos sumimangot.

"Tama na 'yan. " saway uli ni Daddy.

"Lia, itong si Lif daming baon na kwento tungkol kay Dominic three years nang naipon iyon. " ani pa niya.

Night With A Stranger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon